Sunday, April 25, 2004

gusto kong matutong mag-drive...

ilang taon ko nang gustong matutong mag-drive pero hindi na lang natutuloy. lagi ko na lang sinasabi na mag-e-enroll na ako at mag-aaral pero lagi na lang walang nangyayari.

hanggang nung sabado.

una akong nakasakay sa driver seat ng kotse ko kahapon. nakaka-praning! sobrang bagal ko na ngang magmaneho, ilang beses pa ata akong muntik nang makagasgas ng ibang kotse. buti na lang cool na cool si kuya reggie habang tinuturuan niya ako. ilang beses na nga kaming umikot-ikot sa village nila, hirap na hirap pa rin ako. mas madali pang gawin ang trabaho ko kaysa magmaneho ng kotse! automatic pa yan sa lagay na yan!

bibilangin kaya ng taon bago ako makapag-drive ng maayos?