sabi nila, bihira daw ang mga taong magaling sa math at language. akala ko nung high school, magaling ako sa math. nalaman ko nung college na hindi pala. yun nga lang, mas sigurado ako na hindi ako magaling sa language. yan na nga siguro ang dahilan kung bakit minsan talaga ang hirap sumulat. minsan, wala talagang pumapasok sa isip ko kahit na gustuhin ko mang may mailagay dito. lalo na kapag walang kakaibang nangyari sa araw ko. kasi kung merong maganda o pangit na nangyari, madaling mailabas sa pagsusulat kung anuman yun. kahit na hindi ko pa isipin. minsan nga, inilalagay ko pa sa cellphone ko dahil hindi na ako makapaghintay na sa bahay ko pa isulat. naisip ko nga, ang hirap siguro kung ito ang trabaho mo. o siguro, sa akin lang kasi hindi madali sa akin ang sumulat. mamumulubi siguro ako kung ang trabaho ko e sumulat sa isang magazine o newspaper. ok lang sana kung susulat ako kung kelan ko gusto. pero kung tipong may deadline ako para makagawa ng isang article na gugustuhing mabasa ng mga tao, ay nakupo. problema talagang malaki yun.
1 comment:
magaling k nmn po sumulat a..:)
d b sec committee p nga tyo s erg..hehe (me konek nga ba?)
Post a Comment