Monday, May 30, 2005

minsan...

minsan, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. minsan, iniisip ko kung kasalanan ko nga ba na ganito ang nangyayari sa akin ngayon. dapat ko nga bang sisihin ang sarili ko? o tanggapin na lang na ganito talaga ako at hindi ako pareho ng ibang tao?

minsan, feeling ko ang plastic ko na. kasi kahit na naiinis ako o nalulungkot, hindi ko ipinapaalam sa iba. kapag tinatanong ako kung anong problema, sasabihin ko lang na wala ito. pero sa totoo, meron. mabigat. pero ako na lang ang bahalang magdala. nawawala din naman eh. at kapag sinabi ko pa sa iba, lalo na sa mga taong apektado, baka ma-iba pa kung anong meron kami. wag na lang. hayaan na lang natin.

minsan, naiisip ko, mas ok na rin ito. at least ako lang ang nasasaktan at hindi ako nakakasakit ng iba. mahirap din namang ipagpilitan mo ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman pala dapat.

minsan iniisip ko na sana, hindi ako madaling masaktan. minsan lang, sana hindi ko na iniintindi ang mga bagay na ganito.

No comments: