Wednesday, September 27, 2006

plastik

naiirita ako.

ayoko sa mga taong fake. naiinis ako kapag may sinasabi kang iba sa akin at baligtad ang sinasabi mo sa iba. madali naman akong kausap, e. hindi ba nakisama naman ako sa inyo ng maayos? wala naman kayong narinig sa akin, diba? pero naiinis ako kapag pinagmumukha mo akong tanga. kasi pare, sabi nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag. sana na lang next time, panindigan nyo ang sinasabi niyo. o kung hindi nyo kayang panindigan, wag na lang kayong magsalita. mas mabuti pa siguro kung ganun.

pasensyahan na lang tayo. susunod pa rin ako sa usapan natin kahit na hindi nyo ginawa. wala akong balak na maging katulad nyo. yun nga lang, wag nyo nang asahang magkaibigan pa tayo. wala akong kaibigang plastik.

2 comments:

elapot said...

kat, puso... puso... hinga... hinga... :)

kat said...

hay naku, raf... nakakairita kasi talaga.

*hingang malalim*

ok na ako ngayon. na-bad trip lang talaga ako kahapon nung nagkuwentuhan kami ng isang kaibigan ko at nalaman ko nga ito. so isinulat ko na lang para makapaglabas ako ng galit kesa naman umbagin ko sila, diba? :)