hello everyone! :)
musta na kayo diyan? kami e medyo nilalamig ngayon. well, hindi nakakatulong kasi mas masarap matulog kapag malamig. hahaha...
sa mga alam ito from epson days, nire-resurrect ko na ang good morning email. hehehe! pero malamang hindi ko magagawa ito araw-araw kasi wala pang kuwento dito. :)
first day of work namin ng friday. kasi thursday na kami nakarating dito. by the way, nag-drive pala kami ng two hours from lyon to saint genis. o diba, ibang level ang initial driving. wala man lang practice run. pero ok naman. nakarating naman kami ng matiwasay dito sa saint genis. at isa siyang probinsya gaya ng inaasahan. although maganda naman ang view kasi kita na namin ang swiss alps. :) di nga lang kami pwede pumunta dun kasi wala naman kaming swiss visa. anyway, ok naman ang first day of work. onboarding lang. pero medyo information overload. ang dami kasi naming kelangang malaman at kelangan pang matutunan. buti na lang at tinuruan naman kami ni jose (yung advisor namin). ang sad part is, last day na rin niya nung friday. sabi nga niya, pinalitan pa daw niya yung flight niya para lang ma-meet kami ni joanne. bait noh? :)
sabado, sa hotel lang kami. napagod kasi kami sa byahe. so tulog lang at pahinga. wala nga palang english channel sa hotel so medyo nakakabato. buti na lang at merong internet. or else baka naiyak na kami. nagpunta pala kami sa isang maliit na mall sa thoiry. as in super liit niya. mas malala pa siya sa pinakamaliit na mall sa atin. hahaha... pero natuwa na si auds kasi at least may mapupuntahan na kami kung talagang desperado kaming mag-malling.
sunday, naghanap kami ng church. may nakita kami sa thoiry at meron din sa ferney. mas maganda yung sa ferney kaya lang mas malayo. so hindi pa namin alam next weekend kung saan kami magsismba. pwede rin kasing sa lyon kami magsimba kung maisipan naming mag-drive dun sa weekend. nag-ikot-ikot din kami sa thoiry. bumili ako ng festival bread sa isang patisserie. para lang siyang baguette pero may baguette pa so di ko alam kung anong difference. so yun ang kinakain ko habang naglalakad kami sa thoiry. o diba, kumain na ako ng authentic na french bread! wahehehehe... :D
medyo boring pa ang first week namin so wala pang masyadong kuwento. anyway, sana ok kayong lahat diyan. miss ko na kayo.
ma, belated happy birthday! was trying to call you on your birthday pero wala pong sumasagot sa phone. not sure kung wala kayo sa bahay or may topak lang yung phone dito. pero mukha naman pong nag-enjoy kayo sa birthday nyo. nabasa ko yung mga ginawa nyo sa entry ni faye sa twitter e. :)
berto, belated happy birthday din! saan ang celebration? edenski, ibati mo na lang ako ke jun ng belated happy birthday! hahaha... daming may birthday ng 25.
o shalala... babay na muna at magta-trabaho na ako. ingat kayong lahat diyan!!! mwah mwah!
No comments:
Post a Comment