went out last night with the girls --- emma and bea. friends sila ni alba (yung project manager na pinalitan ko). nakakatuwa sila kasi very friendly talaga. emma is upbeat and positive. bea is very nice... kahit na minsan, nahihirapan siyang mag-english, kinakausap pa rin niya ako. she's always smiling and is very sweet. well, akala ko kaming tatlo lang ang lalabas pero sinama nila si alberto. alberto is one of their teammates. nung umpisa, di niya ako kinakausap. siguro, hindi rin sanay mag-english. medyo awkward kasi siya yung naging driver namin tapos ako yung pinaupo nila sa front seat. we went to this place near islas filipinas, which is near emma's house. nakita ko nga yung istatwa ni rizal so sabi ko, i have to take a picture. nun lang nila nalaman na si rizal yung national hero ng pinas.
anyway, we went to this restaurant called alcaravea and the food was great! :) ang nakakatuwa, aside from the chopito (parang calamares pero baby cuttlefish ang gamit), puro bago yung mga kinain ko. may parang lumpia na may seafood sa loob tapos tomato marmalade yung sauce. then there was tuna with fresh tomatoes (and i don't usually like fresh tomatoes but these were really good), and then 7 kinds of mushrooms with eggs. syempre, yung chopito. and white wine. kami lang girls actually ang umubos ng isang bote ng white wine. hehehe! and again, i am not a big fan of wines pero ok yung pinili ni emma. :)
the conversation started with us noticing that the waiter was very animated with talking to bea. and to think, si emma yung madalas dun. sabi nga nila, kahit daw ako e nakapansin and to think na wala akong naintindihan sa sinabi nung waiter. then albert started telling me about bea and diego, na gusto daw ni diego si bea, which bea vehemently denied. hahaha... so nakisakay lang ako. sabi ko, itatanong ko ke diego para straight from the source. basically, dun umikot yung conversation namin... ke bea. sabi ko nga, baka si albert, may gusto din ke bea kaya niya laging tinutukso sa iba. saka kasi, lagi daw siya binu-bully ni bea. e kung di niya type si bea, papa-bully ba siya? hehehe... just my two cents. sa panunukso namin ke bea, tinanong nila kung meron daw bang tsismis sa pinas. basta ang sabi ko lang, mahal ng mga girls si pablo. hehehe... :) sabi ko kay bea, masanay na siya sa pagiging center of attention. sabi ko, e anong magagawa mo, maganda ka? hehehe... :D
anyway, i really had fun with the dinner. nakakatuwa kasi effort talaga sila to make me feel welcome here. totoo pala ang sabi ni jaime... i will love it here in madrid. :)
1 comment:
uy aliw. gusto ko rin makita ang "luneta" dyan, ahahaha.
Post a Comment