it was my first weekend in madrid and i was alone. don't get me wrong, wala naman akong reklamo. there are good points in being alone in a new place. wala akong kelangang intindihing iba... kung kelan ko gustong umalis, ok lang. kung saan ko gustong pumunta, ok lang din. although, there are also some not-so-good points... like, mahirap kumuha ng picture mag-isa. either nagmumukha akong ewan kumuha ng picture ko or kakapalan ko ang mukha ko para mag-request sa ibang tao na kuhanan ako ng picture. care naman ng ibang tao sa picture na kukunin nila para sa akin diba? (audrey, i miss youuuuu!!!) lonely din umikot mag-isa... wala kang kukuwentuhan o wala kang kasama kumain.
marami akong napuntahan sa weekend ko sa madrid... first stop, templo de debod. the temple is dedicated to the gods amon and isis and was donated to spain by the egyptian government. sayang lang, hindi na ako nakapasok kasi maaga nagsasarado yung temple. next stop was plaza de espana. on my way to the sabatini gardens, nadaanan ko din yung senate building. i liked the gardens kasi kita mo yung palacio real sa tabi. dati daw dito nakatira yung mga monarchs pero di na ngayon. ginagamit na lang for official ceremonies. pwede din atang pumasok kaya lang, hindi na rin ako nakapasok sa loob. so picture na lang sa labas. sa tapat ng palacio real is plaza de oriente. katabi naman niya yung catedral de la almudena. sakto naman na pagpasok ko, nagsisimula na yung misa. so nagsimba na ako. syempre, espanyol yung salita. at least, na-gets ko kung ano yung gospel, for a change. after ng misa, naglakad-lakad pa ako ng konti tapos umabot ako sa plaza de la villa at sa plaza mayor. kahit na late na, marami pa ring tao sa plaza mayor. dun na ako nag-dinner, sa museo del jamon. naisip ko, since kilala ang spain sa hamon, might as well yun ang kainin ko. bumili ako ng bocadillo de jamon (basically, french bread na may palaman na hamon) saka paella de embotido (chorizo, 2 klase ng ham at keso). akala ko, di ako maso-sobrahan sa ham pero ang dami kasi kaya medyo nagsawa ako. hehehehe...
next day, marami akong planong puntahan. yun lang, pagdating ko sa parque retiro, wala na daw battery yung camera ko!!! so bumalik pa ulet ako sa hotel para mag-charge ulet (chinarge ko naman yung battery ko nung gabi). anyway, nung feeling ko may charge na ulet yung camera ko, bumalik ako dun. unang photo op ko is sa puerta de alcala. tapos pumunta na ako sa parque retiro. in fairness, maganda talaga yung park kasi ang daming pwedeng picture-an. ang daming fountains, statues, tapos meron pang lake. tapos sa loob ng park, andun din yung museo nacional centro de arte reina sofia (wooosh, ang haba!) saka yung palacio de cristal. nung pauwi, dumaan ako sa puerta del sol saka balik ulet sa plaza mayor.
marami pa akong gustong puntahan... sana next weekend, pwede pa. :)
2 comments:
kat! hanggang kailan ka sa madrid?!?!?! nandito ako sa aix-en-provence (south of france) which is quite near spain!!!! i wanna visit you!!! gusto ko kumausap ng pinoooooy!!!!
sheila, alis na ako this sunday e. but you're welcome to visit this saturday if you want. :)
Post a Comment