valentine's day na ulit. sa akin, hindi na ito yung araw na kasama mo ang special someone mo. wala naman kasi akong special someone. miyembro ako ng NBSB kumbaga. naikabit ko na ang valentine's day sa mga kaibigan ko. sila kasi ang kasama ko parati sa araw na ito. for the past few years, sila ang ka-date ko. iba ngayong taon.
walang nangyari sa valentine's day ko. nasa bahay lang ako, nanood ng tv at nagpahinga. boring, no? may plano kasing magpunta ng puerto galera... pero sa ibang araw. hindi sa valentine's. masyado nga namang magastos kung lalabas kami ng valentine's tapos may gimik pa in two weeks. may boracay pa nga ako. matutuyuan na talaga ang bulsa ko nun. wala lang... naisip ko lang, iba kasi sa valentine's. parang tradisyon na naming lumabas. siguro, mahirap din kasi magkakaiba na kami ng pinapasukan. samantalang dati, tatayo ka lang sa upuan mo at pupuntahan mo siya sa lugar niya para mag-ayang lumabas. ngayon, kelangan na naming magplano... kelangan nang pag-isipan kung kelan at kung saan pupunta. mas mahirap na.
kahit na atat na atat na akong umalis sa kumpanyang pinagta-trabahuhan ko noon, nakaka-miss rin ang mga ganito. nami-miss ko na palaging andiyan ang mga kaibigan ko. nami-miss ko na rin yung labas namin tuwing friday... kahit na kakain lang ng dinner sabay-sabay o magbi-billiards hanggang umaga. sabi nga nila, lahat naman daw ng mga bagay nagbabago. isa na nga siguro ito.