sa tinagal-tagal na panahon, hindi ako kinikilig. wala naman kasing dahilan. well, kapag napapanood ko si apolo sa tv o kaya nung nakita ko siya sa cover ng magazine, kinilig ako. pero ibang kilig naman yun e. obvious namang star-struck lang ako sa kanya. pero kahapon, habang nakikipag-usap ako sa isang kaibigan sa ym, halos mapasigaw ako sa kilig.
bago mag-react ang mga kapatid at mga kaibigan ko na ang tangi lang yatang panalangin para sa akin e ang magkaroon na ng boypren e hindi po para sa akin ang kilig na yun. alam nyo yung kilig na nararamdaman mo kapag yung kilala mo e inlab sa kaibigan mo? ganun.
ang galing nga ng pag-uusap namin kasi di naman talaga yun ang balak naming pag-usapan. di nga kami madalas mag-usap eh. inaantok lang siya kaya siya nag-decide na makipag-usap sa akin. e ok lang naman sa akin kasi di naman din ako masyadong busy nun. nagsimula sa pagiging mag-isa ko sa apartment ko. sabi ko kasi, masaya ring mag-isa paminsan-minsan kasi halos buong buhay ko e kasama ko ang mga kapatid ko sa kuwarto. so ang hirap kung gusto mong mag-isa. pero minsan din, nakaka-miss ang ingay. kasi kung may gusto kang kausapin, wala kang ibang makakausap kundi yung tv mo. mukha ka nga lang tanga nun. :) sabi niya, ang galing daw kasi di ko daw kelangang mag-asawa para magkaroon ng privacy. sabi ko naman, kapag mag-aasawa ka nga, halos lahat ng bagay e ise-share nyo sa isa't isa.
tapos napunta sa kung meron na daw ba akong prospect. sabi ko wala. napag-usapan pa nga namin yung mga kasama ko dito. sabi ko, di ko papatusin kasi umaamoy (gets nyo na kung saan sila galing). so tinanong niya ako ng mga gusto ko... syempre sabi naman ako. di ko na nilahat kasi baka di kami matapos. :) sabi niya, sa susunod daw naming pagkikita e sasama daw siya sa screening committee. aba, sure! basta ba merong pagpipilian eh. hehehe! :) dun ko tinanong kung kelan naman siya magpapakilala ng special someone niya at kung ano ba mga "requirements" niya. nagsabi naman din siya. so ang tanong ko e kung wala pa bang juma-jackpot sa requirements niya. meron na daw kaya lang di daw pwede. at explain pa siya na may pagka-nerdo (sori, totoo eh) kung bakit.
sa pag-e-explain niya at sa kabuuan ng usapan namin, na-gets ko na kung sino ang tinutukoy niya although wala naman siyang sinasabing pangalan. pero sa lahat ng emoticons at sa lahat ng sitwasyon na nabanggit niya, manhid na nga lang siguro ako kung di ko makuha kung sino yun. syempre, ako naman itong gagang kaibigan, halos mamatay ako sa kilig. di nga ako magkaintindihan kung paano magpigil sa pagsigaw kasi conference room ako at ma-o-obvious ng mga kasama ko na di ako nagta-trabaho. :)
yun nga lang, mas excited ako kesa sa kaibigan ko. siguro kasi di naman siya talaga na-involve sa pag-uusap kaya di siguro niya naramdaman yung naramdaman ko. at sayang nga lang kasi sa tingin ko, tinanggap na nilang dalawa na hindi sila pwede. sa akin talaga, never say never. malay mo, diba? :)
4 comments:
sino raw?
nde ikaw? :)
rose, mas madali kung tagalugin eh. di ko na iisipin kung paano ba dapat isulat. :)
raf, kaibigan ko nga. hindi ako. sa akin lang nagkuwento. :)
katrina marcos! kilala ko to?? meron ako nasa isip kung sino habang binabasa... wishful thinking kumbaga :D wag mo ko biguin hehehe
rish, kapag magbigay ako ng clue, baka ma-figure out ng mga tao kung sino eh. email mo sa akin kung sino ang hula mo at ico-confirm ko. ;)
Post a Comment