impluwensya ng mga kaibigan ko ang paglalaro ko ng bilyar. dati kasi, ni hindi ko man lang naisip sumubok. at nung una kong subukang maglaro, pahirapan pang makapasok ng bola.
si berto ang una kong partner sa bilyar. kapag sinasabihan niya akong "makapal, kat" o "nipisan mo pa", para niya akong kinakausap ng greek o latin. di ko maintindihan. ang goal ko pa nga nung umpisa e matamaan lang ng tama ang bola. kahit na di na lang pumasok, matamaan ko lang. ok lang naman kasi marami naman sa amin ang hindi marunong. dahan-dahan din kaming natuto hanggang sa halos kada friday e yun na lang ang gimik namin. nagiging bowling kung minsan kapag may pera kami dahil bagong suweldo. pero kapag kapos sa pera, bilyar na lang. mas mura kasi. kahit sa amoy-sigarilyong usok ng marbles, go pa rin kami. di man ako naging magaling, nakaka-shoot na rin ako ng bola paminsan-minsan. hanggang ngayon, goal ko pa rin ang matalo si neil (ang pinakamagaling sa amin sa bilyar) kahit isang game lang.
natutuwa ako kapag naglalaro ako ng bilyar. di man ako maging kasing galing ng mga kaibigan ko, ok lang sa akin. minsan nga, iniisip ko na ok na rin kahit na di ako maging magaling para masaya lang ang paglalaro. di ko iniisip na kailangan kong manalo at kailangan kong ipakita na magaling ako. (o baka excuse ko lang yan). ok nga at tinuruan ako ng mga kaibigan kong mag-bilyar kasi nakakapag-bonding ako sa ibang mga tao dahil dun. ngayon lang, kakauwi ko lang galing sa barbecue sa bahay ng project manager namin. pagkakain at pagka-chika sa ibang mga kasama, bumaba kami para manood sa iba pa naming officemates na naglalaro. nakalaro ko na isang beses si aaron kaya alam niya na marunong ako. pagkatapos ng game nila, pinalitan ko siya at nakilaro ako sa kanila. astig kasi ako lang ang babaeng nakikilaro (e pero tatlo lang naman kaming babae nun). ang ok pa, naka-tatlong bola akong dire-diretsong pasok. syempre, hindi sadya. swerte lang parati. pero ok kasi nagmukha akong magaling. hehehe!
nakakatuwa kasi di naman ako magaling sa small talk. madalas kasi akong nauubusan ng sasabihin. kaya nga gusto kong may mga kasamang makuwento. e since naglalaro kami ng bilyar, nag-e-enjoy ako kahit na di ako magkuwento nang magkuwento. konting chika chika lang, ok na.
ilang beses ko nang naririnig ang kasabihang "music is the universal language". ngayon ko lang naisip, ang bilyar din pala.
Friday, June 23, 2006
Monday, June 12, 2006
sa araw ng kalayaan
ipinagmamalaki kong isa akong pilipino. kahit saan ako magpunta, kapag tinatanong ako ng mga tao kung saan ako galing, parating may ngiti ang pagsagot ko na galing ako sa pilipinas. kahit sa mga oras na may mga hindi magandang nangyayari sa pinas, di ko ito ikinahiya kahit kailan. oo, may mga oras na nadi-dismaya ako sa mga pulitiko natin na wala na lang ginawa kundi mangurakot. at may mga pagkakataon na nagdududa ako kung mababago pa nga ba ang kalagayan ng pilipinas. minsan din, nag-iisip ako kung mas mabuti pa nga bang manirahan na lang sa ibang bansa. pero naniniwala pa rin ako na ang pilipinas ay isa sa pinakamagandang bansa sa buong mundo. at ang mga pilipino ay isa sa mga pinakamabubuting tao sa balat ng lupa. nalulungkot ako kapag mayroon akong kaibigan o kakilala na nagsasabing ayaw na nilang umuwi ng pilipinas. o mas gusto pa nilang mabilang sa ibang lahi. nasasaktan ako bilang isang pilipino.
ipinagmamalaki kong pinalaki akong minamahal ko ang aking lahi. sa bawat paaralang pinasukan ko, itinatak ito sa aking isip at puso.
sa araw ng kalayaan ng pilipinas, nais ko sanang tunay na maging malaya ang mga pilipino. malaya sa mababang pagtingin ng ibang tao, at lalo na sa mababang tingin ng kapwa nating pilipino. nais kong maging malaya tayo sa kahirapan, na kaya nating mabuhay ng matiwasay ng dahil lang sa sipag at tiyaga, na hindi na natin kailangang mangibang-bansa para lang matustusan ang pangangailangan natin sa araw-araw. na maaaring maging matapat ng bawat tao dahil hindi nila kailangang mandaya o mangurakot para lang kumita ng pera. gusto ko sanang respeto ang salitang maging kakabit ng pagiging pilipino.
pilipino ako. at mahal ko ang aking lahi.

Subscribe to:
Posts (Atom)