malapit na ang bagong taon. ilang oras na lang, 2007 na. isa lang ang new year's resolution ko for 2007: maging masaya. sa tingin ko kasi, sa buhay ko, nag-iintay ako ng mga bagay para makapagpasaya sa akin. either may pupuntahan ako o may gagawin ako o may mangyayari para maging masaya ako. sa araw-araw kasi, parang deadma lang. hindi ako masaya, hindi rin naman malungkot. so sana, ang gusto kong mangyari sa 2007 e maging mas masaya ako sa araw-araw. syempre, hindi naman pwedeng parati akong masaya. pero at least man lang, for the majority of the next year, maging masaya ko.
siguro, kelangan kong maging aware sa mga magagandang nangyayari sa araw-araw ko para maging masaya ako. naisip ko kasi, hindi naman pwedeng parating may mangyaring extraordinary sa buhay ko. kailangan, ako ang humanap ng dahilan para maging masaya. ako pa naman, masyadong nag-iisip. buti sana kung magaganda yung mga pinag-i-iisip ko. e minsan, kapag umandar na ang pagka-praning ko, mas sumasama pa ang loob ko e. kailangan na akong matutong mag-let go sa mga bagay na hindi ko naman mako-control. kung ayaw mo, huwag mo, ika nga.
kailangan ko ring simulang gawin ang mga bagay na gusto ko. or at least, gumawa ng paraan para magawa ko ang mga bagay na gusto ko. hindi lang puro trabaho. hindi lang puro ibang tao. paminsan-minsan, kelangan ko ring isipin ang sarili ko. kelangan kong matutong humindi, hindi payag lang ng payag kung ano ang sinasabi ng iba.
gusto kong mag-travel. sana makapunta ako sa isang lugar hindi lang dahil sa may business trip ako. gusto kong makalibot, makapagbakasyon. gusto ko ring matutong mag-drums. although, hindi ko alam kung hanggang saan ko gagawin ito kasi wala naman akong balak bumili ng drum set so parang sayang lang din. pero gusto ko pa ring matuto. gusto ko ring matutong humarap sa tao ng hindi kinakabahan. kailangan ko ng lakas ng loob, kapal ng mukha. baka shocking sa iba, pero totoo. hindi ko pa alam yung mga ibang bagay na gusto kong gawin pero i'm sure, makakaisip pa ako ng maiidagdag sa listahan ko.
wish ko para sa lahat, maging masaya ang bagong taon. hindi lang sa january 1 kundi sa araw-araw ng bagong taon. syempre naman, para hindi lang ako ang masaya sa darating na taon.
hello, 2007!
2 comments:
yahooo! Peru here we come!!
kat, alam mo, we can what oprah suggested. we should have a journal and write 5 things everyday that we are greatful for. tried it once... works for me. :D
Post a Comment