Monday, January 01, 2007

bagong taon

maaga pa lang, naghanda na kami para sa new year. dumating sina ate tetet, kuya weng, franco at sofia sa bahay ng lunch. hindi kasi sila makakasama sa amin sa pag-celebrate ng bagong taon kasi dun naman sila sa mga albis sasama. nung pasko kasi, sa amin sila naki-celebrate kaya sa kabilang side naman ng family sila this time. nakakatuwa kasi good mood si franco nun. nung binigyan kasi siya ng chocolate ni dad, niloko ko siya na siya ang chocolate ko. nung tinanong ko siya, kung siya si baby chocolate, hindi daw. si sofia daw yun. siya daw si kuya chocolate. ganun kami hanggang sa nung pauwi na sila, tinawag naman niya akong ninang chocolate.

nung nakaalis na sila, nagsimula na kaming mag-prepare para sa medya noche. si dad, inayos na ang tenderloin tips. si mom naman, yung kanyang lasagna. ako, nagsimula sa clam chowder. normally, si dad ang gumagawa ng soup. kaya lang, may pamahiin na bawal daw ang manok sa bagong taon (kasi isang kahig, isang tuka daw) e since chicken asparagus soup ang specialty ni dad, naghanap na lang kami ng bagong recipe. hence, si clam chowder. madali lang naman kaya ako na lang ang gumawa.

nung malapit nang mag-12 midnight, lumabas kami para manood ng mga paputok. yep, hindi kami bumili ng kahit anong paputok this year. aba, makita namin e yung buong street namin e ganun din ang ginawa. nakinood lang lahat kami. ok na rin kasi mas magaganda yung paputok ng nasa paligid namin. hindi pa sobrang ingay at sobrang usok sa lugar namin. pagdating ng alas-12, pumasok na kaming mag-anak at nagdasal. ganito kami every new year. kapag dating ng alas-12, magdadasal na ang buong pamilya. dati nga, nung sa cuenca pa kami nagba-bagong taon, lahat ng mga pamilya ng marasigan na andito sa pinas, magkakasamang magdasal. tapos dadasalan kami nina tatay at inay. so nung wala na sila, naipasa sa amin yung tradition.

after ng dasal, dumating na ang mga tito, tita at pinsan. dito sila nag-medya noche kasi si mom ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. daming pagkain! merong tatlong uri ng pasta ---- yung lasagna ni mom, spaghetti ni tita edith at yung pasta with sausages ni tita baby. tapos merong dalang paksiw at pupor sina tita eva. meron ding fruit salad. at syempre, yung tenderloin tips at clam chowder. tuwang-tuwa sila sa tenderloin ni dad kasi naglagay kami ng mainit na mantika sa maliit na fondue pot. tapos ikaw ang magluluto dun nung beef, depende kung paano mo siya gustong lutuin. ayun, hit na hit sa mga pinsan at mga tito at tita. kami, kahit sanay na (ginagawa kasi namin ito for the last few years), enjoy pa rin sa pagkain. binuksan din namin yung novellino na strawberry passion. sarap!

posing ng pairstenderloin!


tumawag din ang mga taga-amerika --- sina tito rudy at tita nona, nakausap namin. syempre, kuwentuhan at picture taking. tapos naglaro ng pusoy dos ang mga pinsan. ang saya ng pasok ng bagong taon! sana preview na ito ng magandang 2007.

No comments: