Wednesday, January 03, 2007

cebu - b!

kababalik lang namin ni rose from megamall after a looong lunch break. pero hindi naman namin ginamit yung buong lunch break namin sa pagkain. syempre may chikahan. tapos, pumunta kami sa cebu pacific para bumili ng tickets papuntang boracay. yes, people, may balak po kaming pumunta ng boracay dahil may promo sila na 99 pesos one-way airfare. pero bago pa man kami nagpunta ng cebu pacific ticketing office, napalitan na ang plano... from the original february, sa march 9-11 na kami aalis. kasi naman, ang magaling kong project e hindi pa rin nag-uumpisa ngayon. dapat nung december pa siya mag-uumpisa kaya lang dahil sa mga aberya, hindi pa rin kami umuusad. well, may konting usad naman pero konti lang.

anyway, nung na-determine na namin na pinaka-feasible is march 9-11 nga, kelangan syempre namin ng approval ng mga kasama namin. si pogs, madaling um-oo kasi eto ang schedule na talagang gusto niya (yehey! manlilibre si pogs kasi malapit na ang birthday niya nito!). si rumel, kelangan pa naming kumbinsihin pero sa dulo, pumayag din. so set na kaming pumunta ng boracay. pagdating sa ticketing office, wala palang manila-caticlan ang cebu pacific! kelangan naming kunin is manila-kalibo. tapos, kelangang mag-bus to caticlan at boat papuntang boracay. pero sige lang, game pa rin. eto ang catch... wala nang available na weekend papuntang kalibo. naubos na. hindi naman kami pwedeng weekday umalis kasi kelangang maraming leave. so naisip namin, CEBU! suggestion ni rose, sa bantayan island. ako naman, game lang kahit saan. hindi pa rin kasi ako nakakapunta ng cebu. at nun pa lang nasa japan kami, gusto ko nang bisitahin ito dahil sa mga kaibigan naming andun (russel, kelangang ilabas mo na ang red carpet!... romer, i-tour mo kami!). gusto ko ring makita ang city proper, yung magellan's cross at kahit na anong kapag nakita mo sa picture e malalaman mong nasa cebu ka. pictures lang naman ang kelangan ko e. hehehe!

so cebu, here we come! excited na akooooo!!!!

3 comments:

Unknown said...

siguraduhin nyo maraming boys jan ha. pagpapalit ko ang speedo land for that place.

kat said...

hahaha... maganda naman din daw dun sa bantayan island. :) hindi ko lang alam kung maraming boys dun. counted na ba sina rumel at romer? :P

Marts said...

reserved na si romer kay kat! wahahahahaha!!!