dapat nasa subic ako sa mga oras na ito with my officemates. kaya lang, sabi nga ni raffy, baka mamatay na kami kung tumuloy kami kaya di na lang. wala naman akong balak mamatay ngayon. sayang, kasi excited pa naman ako. una, kasi first time kong magsu-surf ever. pangalawa, unang out-of-town gimik ko ata ito with teammates. well, hindi counted ang mga company offsites, ha. pero natutuwa na kasi ako ngayon dahil kilala ko na mga teammates ko. dati kasi (i.e. less than a year ago), halos wala akong kilala sa kanila. yun lang ang mahirap kapag matagal kang nasa ibang bansa. pero miss ko na rin ang cincinnati. ibang kuwento naman yan altogether.
i miss having something to look forward to every saturday. dati kasi, lagi kaming may laro sa sportsfest. kung hindi man kami, pwedeng basketball, volleyball or badminton ang meron so papanoorin ko. masaya rin kasi kahit na taga-cheer ka lang. mas ok kung nananalo yung team nyo. pero kung hindi, ok lang din. enjoy pa rin namang manood.
sa totoo lang, masaya na sa office. andiyan ang g girls (di ko masabi dito kung ano talaga ang tawag kasi baka kung anong masabi ng ibang tao) --- beng, auds at aj. actually, sa kanila ko talaga nasasabi ang mga sama ng loob at hinanaing ko sa trabaho. although same kami ng kumpanya nina pogs at rose, meron akong experiences na sila beng, auds at aj lang siguro ang nakakaintindi kasi pinagdadaanan din nila. so iisa kami ng sentiments. although baka maging iba na ang sentiments ni auds soon. *wink* pakain ka ha!
andiyan din yung project team ko. although ang madalas lang namin napapag-usapan e trabaho at madalas lang kaming magkita dahil sa project meetings, natutuwa talaga ako sa kanila. wala akong masabi sa sipag at galing nila. feeling ko nga, mga anak ko sila. well, i-exception na lang natin sina mavie at jade although feeling ko mas matanda pa rin naman ako sa kanila. sabi ko nga, naging masaya ang first time kong mag-lead ng project dahil sa kanila.
andiyan din yung subteam ko. kung ang mga nasa project team ko e karamihan junior, karamihan naman e senior ang kasama ko sa subteam. so ang dami nilang perspective na nabibigay sa akin. maraming inputs parati sa team. di ko na sila kelangang tanungin. sila na mismo ang magvo-volunteer.
kasama ng iba pang mga tao sa office, sila basically ang dahilan kung bakit nag-e-enjoy akong pumasok. kahit na minsan e sobrang hectic at sobrang dami ng kelangang gawin, carry pa rin.
No comments:
Post a Comment