Monday, May 19, 2008

good morning email 5

hello everyone!

good morning! kamusta ang weekend ninyo? sana naman e masaya para happy kayong pumasok sa opis today. well, wishful ako na happy tayong lahat papasok. di naman masamang mangarap diba? hahahaha...

busy na kami last week. yung ibang teammates namin, nag-meeting ng dalawang buong araw. ako naman, research at aral pa rin. marami pa kasi akong hindi alam but hopefully, ok na yung naaral ko last week for our meetings this week. nung friday, puro meetings naman ako. wala kasi yung mga taga-europe kasi nagsiuwian. since busy yung iba naming mga kasama sa docs nila, ako yung pina-attend nila ng meeting. ok lang naman. may naintindihan naman (yata) ako. hehehe...

nung sabado, nagpunta kami ni mommy jo sa lyon para magsauli ng kotse. kasi matatapos na yung contract ng kotse sa 23. e next weekend, nasa milan kami (yes po, sa milan nga) so hindi namin siya pwede isauli nun. aba, pagdating namin dun, sabi nung kausap namin di daw niya gagalawin yung kontrata dahil sa 23 pa daw matatapos. tapos tinanong ako kung may tumawag daw ba sa akin para magsauli ng kotse. sabi ko, wala. kaya lang namin dinala ng maaga kasi nga, conflict sa schedule. tatawagan na lang daw nila kami kung kelangan na i-renew yung contract tapos ico-confirm lang daw namin sa telepono. anlabo. sabi nung kausap namin nung ginawa yung contract, kelangan isauli. hmf. basta for sure, hindi mangyayari yun next weekend. :P

pag-uwi namin, nag-prepare na kami for laundry. wala kasing laundry services sa hotel namin (how jologs is that!) so pumupunta kami sa apartment nung mga teammates namin para maglaba. coin laundry din naman siya pero still, nakikilaba pa rin kami. anyway, sa tagal naming hindi naglaba (mga two weeks ata), ang tagal namin dun sa apartment. bumalik kami sa hotel, mga 11:30 pm na. and guess what? wala kaming pin sa pintuan! first time namin na hindi nakahingi! ganun kasi sa weekend dito. pagdating ng 11 pm, wala nang tao sa reception. kakaloka! as in nangatok kami ng pintuan ng kapitbahay namin sa hotel! kakahiya! pero lakasan na lang ng loob at kapalan ng mukha. kesa naman hindi kami makapasok. buti na lang andun naka-stay sa hotel yung receptionist na isa. so siya ang nagbukas ng pintuan para sa amin. yan ang misadventure #1.

misadventure #2: sunday, pumunta kami ng annecy. one hour away siya from saint genis. marami kasi ang nagsasabi na maganda daw dun. so kahit na medyo umaambon, go pa rin kami. in fairness, maganda naman talaga siya. nagsimba kami sa isa sa siguro mga apat na simbahan dun. nakisabay pa kami sa first communion ng mga bata. as usual, wala na naman kaming naintindihan. hahaha... ikot-ikot kami sa annecy... nag-picture... kumain ng crepe... kumain ng gelato. in fairness, kahit umuulan, ang sarap ng ice cream! may inakyat kaming museum at hiningal kami sa taas pero di naman kami pumasok. kasi parang di naman kagandahan yung display. so picture lang kami ulet sa labas. tumawag ako sa bahay kasi wedding ni ate karla kahapon... para naman maisip niya na naalala ko siya sa wedding day niya. di na nga ako naka-attend, mabati ko man lang. :) anyway, mga 6 pm, umuwi na kami kasi umuulan na rin lang. di na rin naman kami makaka-picture. sabi ng gps namin, take the exit on the right. e isang malaking tollway exit siya, so akala namin tanga lang si chloe (yan pala ang binyag ni auds sa gps niya). aba, dun nga pala sa right side ng toll exit, andun na ung exit namin. nagtaka pa kami bakit ang 3.70 ang siningil sa amin this time e 0.80 lang nung papunta kami sa annecy. in short, hindi kami naka-exit sa dapat naming i-exit. so ni-reroute kami ni gps. medyo kinakabahan kami kasi malapit na kami sa geneva. e wala kaming swiss visa. at hindi kasama si switzerland sa EU. nung ni-reroute na kami, sabi ni chloe, keep right at the fork. so nung nag-fork, andun ako sa right. guess what... wrong fork!!! basically, nakita na namin ang tollway papuntang geneva!!! kakaloka! buti na lang, andun kami sa pinaka-kaliwang lane. nag-U turn kami bago pumasok sa toll. pag-U-turn namin nakita namin: FRANCE. ay grabe! pero in fairness, di naman kami hinuli ng pulis or anything. malayo lang ang nilakbay namin at kinabahan lang kami ng husto. nakarating naman kami sa hotel ng buo. hehehe...

ayun lang naman ang aming misadventures. trabaho ako ng totohanan this week kasi start na ng bundle namin. may customer meeting nga kami mamaya. wish me luck!

ate karla and kuya prijm, congrats ulet!!!! i love you!!! wish i was there with you. send me pictures!!!

raf and papa karl.. happy birthday!!! :)

tsong andrew... happy birthday din!!! :)

nasa baba na nga pala ang link sa paris pictures namin... :) next time, milan naman. :D

have a good week, everyone! mwah mwah!

====

paris pics

Monday, May 12, 2008

good morning email 4

hello everyone!

musta ang weekend? sana naman e naging masaya ang weekend nyo. well, pasensya na lang kasi mang-i-inggit ako. hehehe!

sa mga hindi pa nakakaalam... WE WENT TO PARIS FOR THE WEEKEND!!!! yes, we finally saw paris. si kathy kasi, merong business trip dun and since in-offer niya na mag-stay kami sa hotel niya, napaaga ang punta namin sa paris. nag-check out kami sa hotel din namin, just in case na may kelangan kaming bayaran sa hotel. umalis kami dito sa saint genis ng mga 630 pm, nag-drive kami all the way to paris. ay, si auds lang pala yun. mga 1 am na kami dumating sa hotel kasi na-traffic kami sa A40. di kasi kami nakinig sa gps. ayun tuloy.

next day, larga na kami. first stop: eiffel tower. ang ganda niya, pramis. well, siguro namangha lang talaga kami na nandun na kami finally. at may proof na kaming nagpunta kami ng france. hehehehe... syempre, na-excite kami kumuha ng picture so ang dami naming kuha na ang eiffel ang background. tapos, nagpunta kami sa arc de triomphe. syempre, ano pa ang ginawa namin kundi mag-picture? :) tapos nagpunta naman kami sa champs de elysse. dito yung maraming shops. at saan kami nagpunta? ke pareng louis (vuitton). may balak kasing bumili ng shoes si auds at bag naman si kathy. kami ni mommy jo, nalula lang sa presyo. yung speedy 25 na bag ata e mga 410 euros. meron pa naman daw siyang 12% discount if you show your passport. but still, nawindang pa rin kami. sabi nga ni mommy jo, na-realize daw niya kung gaano kaluho si gretchen barretto kasi kelangan niya parating may bagong LV. hahaha.. ako, siguro next time na ako bibili. kelangan ko pa kasi mag-ipon para mapalitan si bogart. long overdue na kasi ang retirement ni bogart. (si bogart nga pala ang kotse ko). after lunch, pumunta naman kami sa place de la concorde. hulaan nyo kung anong ginawa namin? nag-picture!!! hahahaha... at this point, namamatay na ako sa sakit ng paa. kasi naman, nagmaganda daw ako. isip ko kasi, paris ito!!!! so sinuot ko yung binili kong sapatos dito. e may konting heels yun. so humingi ako ng break sa mga girls dun sa isang garden na malapit sa louvre. hindi na kami nakapasok ng louvre kasi di rin namin malilibot. so nag-picture taking na lang kami dun sa may triangle sa labas. after dinner, binalikan ulet namin ang louvre... at ang ganda ng lighting niya sa gabi, in fairness! :) tapos binalikan din namin ang eiffel sa gabi. by this time pala, nag-promise na ako na hindi maghi-heels ever sa first day ng sight seeing. although kahit na masakit na ang mga paa ko, picture pa rin. ganun kami ka-adik magpa-picture. at, naglakad pala ako sa grass ng nakatapak. hahaha! so i've actually walked barefoot in paris! :)

second day, nagpunta naman kami sa notre dame. dun kami nagsimba. although sabi nila, international mass daw yun, meron lang three lines na english at three lines na german ata tapos wala na. so basically, di pa rin namin naintindihan yung mass. pero happy na rin kasi nakasimba kami dun. after ng simba, inikot namin ang notre dame. ang laki niya!!! marami kasing bumibisita habang may misa. after nito, nag-lunch kami sa isang creperie. yung main course nila, crepe pa rin ang base. yung binili namin ni auds, may ratatouile! hehehe... ang saya! tapos syempre, nag-dessert kami. sisters, may tatalo na sa boracay crepes!!! bumalik lang ulet kami saglit sa champs de elysse (umasa kaming may mabibili) tapos uwian na.

ang saya ng paris. ang ganda niya at ang dami naming nakita. meron pang mga na-miss like yung mona lisa, kasi di nga kami nakapasok ng louvre pero kung hindi na kami matuloy ulet dun next week, ok na rin naman ako. masakit pa rin ang legs ko sa haba ng nilakad namin nung sabado pero ok lang. happy naman. :)

ma, tita medith, tita annie, tita nona, tita baby and tita eva, belated happy mother's day! pakibati na rin lang si tita edith sa akin! :)

ate tetet and ate karla, belated happy mother's day din! sorry, ngayon ko lang kayo nabati. di yata pumasok sa utak ko na mothers na rin kayo. hahahaha... to think na dalawa na ang anak ni ate. wahehehehe... hope you had fun celebrating mother's day!

sa mga gels na mommies --- happy mother's day din! special greetings sa mga first time mommies! :)

sa mga tsongers na mommies --- happy mother's day rin!

sa lahat, pakibati na rin lang ako sa mga mommies nyo. :)

o siya, magta-trabaho na ako. sana naging masaya din ang weekend nyo!!! :)

miss you all!

Tuesday, May 06, 2008

good morning email 3

hello everyone!

musta ang weekend? :)

nakagala na kami sa wakas! nung sabado, pumunta kami ng lyon kasama ng aming indian friends. syempre, kami ang drivers ni auds (kami lang ang may kotse e). normally, 2 hours lang ang lyon pero since hindi kami dumaan sa toll at sa scenic route, umabot kami ng mga 4 hours. nag-picture-taking pa kasi kami on the way.

in fairness, maganda rin naman ang lyon. puro simbahan nga ang napuntahan namin. kasi nung kumain kami sa indian resto, katabi niya isang simbahan. tapos nung nagpunta kami sa may bridge, meron naman kaming nakitang cathedral. mag-send ako ng link ng mga pics namin kapag nakuha ko na from auds. :) hindi na masyadong malamig nung nagpunta kami ng lyon. actually, nainitan na nga kami. siguro dahil na rin sa paglalakad. and thank goodness, meron kaming GPS kundi nawala-wala na kami.

nung pauwi. nag-tollway na kami kasi pagod na kami at gusto na naming umuwi. pero dumaan pa pala kami sa mall pauwi. kasi yung kasama namin, gustong bumili ng laptop bag. ako, bumili na ako finally ng sapatos. nasira kasi yung strap ng sapatos ko e. although naayos ko naman siya, takot kasi ako baka matuluyang mapigtas. e 20 euros lang ung sapatos sa H&M. yun na yung pinakamurang nakita ko e. in fairness, maganda naman siya. marami ngang magagandang sapatos dito pero siguro minimum ng mga 50 euros. super mahal dito! so medyo tipid mode muna kami para mabawi ung pinang-shopping. gusto ko nga rin bilhin yung shades dun sa H&M. mura lang naman kasi 8 euros lang pero pinag-iisipan ko pa. hehehe...

sunday, nagpunta kami sa city center ng saint genis para magsimba. aba, e 20 mins na lang, wala pang tao. so naisip namin na baka wala talagang simba na dun (nire-renovate kasi yung church). so pumunta pa kami ng ferney para magsimba. mahirap lang kasi french yung simba so basically, wala kaming naintindihan sa readings. pero ok na rin. better than nothing. after that, umuwi muna kami para sunduin si joanne tapos nag-ikot-ikot kami sa saint genis.

ayun lang ang weekend ko. ay, nanood din pala ako ng coffee prince sa net. hehehe! again, wala nga kaming english channel kaya nagtitiis kami sa net. hehehe! :)

sa inyo, anong balita? kuwento naman kayo! :)

o siya, magta-trabaho na ako. ingat kayo. mishu!

Monday, May 05, 2008

from coffee prince

"just once... i'll say this just once so listen up. i like you. whether you're a man or an alien, i don't care anymore. i tried getting rid of my feelings, but i couldn't. so let's go, as far as we can go. let's give it a try."

*sigh*

Thursday, May 01, 2008

good morning email 2

hello everyone!
kamusta na kayo? kami dito e nilalamig pa rin. although ngayon, umaraw na so hindi na as dreary as monday. isipin nyo naman yun... monday na nga, dreary pa. paano kaya kami gaganahan pumasok? hahaha... pero since mababait kami, syempre, kelangan naming pumasok. unfortunately, wala pang exciting na nangyayari dito sa opis. as if naman nag-e-expect talaga kami na meron. hindi pa rin kami umuusad sa french namin. bonjour at merci pa rin lang ang ginagamit namin. hahahaha... :D

medyo lost pa ako sa trabaho. kasi ang alam ko lang naman is sa p&g diba? tapos iba pa yung version ng SAP dito. so ang dami talagang bago. medyo nakaka-pressure kasi syempre, kelangan naming mag-deliver at umaasa si hp na hindi namin sila ipapahiya. hahaha... well, good luck to hp. and good luck to us. :)

wala rin kaming pasok ngayon. wooohooo!!! although wala naman kaming naka-plan for today kundi maglaba. yes, wala pong laundry ang hotel namin at makikilaba kami sa bahay ng iba. hindi rin kasi namin alam kung saan ang laundromat dito. hehehe... ang saya noh? so wish talaga naming makalipat sa isang serviced apartment para mas ok. kaya lang kasi, wala pa ata silang makita ngayon at punuan. so tiis na lang muna kami. na-realize ko nga na mababait pala talaga ang mga pinoy. meron kasi kaming kasama dito na indian na wala nang ginawa kundi mag-complain. tapos parang lahat ng tao, inaaway niya. pati yung PM namin! sabi niya kasi, isang buwan na daw sila dito tapos hindi pa sila nakakaikot. kahit man lang daw sa lyon. tapos parang sinisisi niya yung PM namin. di naman kaya niya kasalanan yun! howell...

unfortunately, ito lang ang holiday na hindi kami papasok. marami pa kasing holiday in the next couple of days (i think holiday bukas sa france) pero expected kaming pumasok. o ha! so wala rin pala kaming long weekend. pero not to worry, pagpa-planuhan talaga namin ang paris. di kami pwedeng umuwi ng hindi nakakapunta dun. pero for now, dun muna sa malalapit na lugar. we're even thinking of going to italy. sabi kasi nung PM namin (who's italian, by the way), mga 3 hours lang daw ang italy. kung anong italy yun, hindi ko pa alam. malamang hindi milan or rome. pero pwede na rin siguro! hahaha! desperadong makapunta sa ibang european countries! :D

gels, musta ang mga babies? wala pang nagpapadala ng pics na may preggy look ha! again, extra ingat! :) myn! di ko pa alam kung mapupuntahan ko kayo ni lloyd sa austria. keep your fingers crossed! :)

mga tsong, musta na? kelan nga lipad ng mga tao for the US? pogs, kelan lipad mo to prague? tuloy ka ba? :)

agee! miss na kitang kausap! ang hirap ng walang ym sa umaga kasi paguwi ko, wala ka na sa ym. musta ka na? :) musta na kayo ng "boypren" mo? hahahah! :)

kuya, musta na sa US? wala pa akong nababalitaan ulet sa iyo. kuwento ka naman!
ate karla, all set na daw for may 18? woohooo!!! :) excited ka na?

hello pala sa mga titos and titas! musta na po kayo? :) bea, do you have tita edith's email? siya lang ang wala dito e. :) tapos ikaw na lang ang representative sa arcos. hehehe... :)

o siya, babayush na muna. napahaba na naman ang email ko. hope everything's well on the other side of the world. balitaan nyo ako, peeps!