hello everyone!
kamusta na kayo? it's down to our last 2 working days (holiday dito sa 14) so medyo sagaran na kami sa trabaho. marami pa kasing kelangang tapusin bago kami umuwi. buti na lang at wala na pala akong review sessions with our BPO so puro docs na lang ang kelangan kong gawin. no more meetings! wooohooo!!!
by the way, ayos na yung issue namin. salamat sa mga dasal nyo. iniintay na lang namin na mag-handover si papa perci next monday then we can FINALLY relax. or at least, hindi na namin siya iisipin forever and ever. pero as i am writing this, meron na ulet akong bagong project. o ha. sabi ko nga, baka may galit sa akin ang boss ko at ayaw akong pagpahingahin. sunud-sunod kasi mga projects ko. overlapping na nga. kakaloka!
anyway, weekend kuwento...
saturday, nagpunta kami sa fort l'ecluse. malapit lang siya sa tinitirahan namin. siguro mga 20 mins by drive. nakita kasi namin siya one time nung pauwi kami kasi naka-light siya. e parang interesting so nag-decide kami na dun pumunta this time kasi wala naman kaming long drive plans. tapos kasi, naawa sina joanne sa kasama naming indian (kasi siya na lang ang indian na naiwan dito tapos wala pa siyang kotse) so nag-isip kami kung saan siya pwede dalhin ng sabado.
anyway, di naman kagandahan yung fort. well, fort lang siya. puro bato saka malamig. siguro kasi nasa bundok. ang masaya nun, may pangalawang fort sa taas. kelangan naming umakyat ng 850++ steps para makarating sa taas. workout ito! pero since sabi nung guide, ok daw akyatin, umakyat din kami. in fairness, maganda nga naman talaga ang view sa itaas. :) syempre, picture taking ulet. may na-meet pala kami dung english na nakatira sa germany na naka-business trip sa geneva pero sa france nagse-stay (o ha, saan ka pa?). glynis ang pangalan niya. translator siya ng docs. from german, french, italian to english. hindi ko na nakuha yung sagot kung ilan yung languages na alam niya pero obviously marami. :) kinukuwentuhan niya kami ng history ng kung anu-anong lugar, kung paano yumaman ang switzerland, kung saan maganda pumunta sa france. sabi nga niya, ang dami daw niya sanang isa-suggest na places sa geneva pero hindi naman kami pwede dun diba?
nung pauwi na kami, yung isa sa mga guide, tinanong kami kung gusto naming bumalik ng 830 pm kasi meron daw festival dun. meron daw music, dancing and story telling. since wala naman kaming gagawin, sabi namin, sige. so kain lang kami ng dinner dun sa favorite naming turkish resto tapos balik na kami. yun nga lang na-late kami pabalik so hindi kami nakasama dun sa unang story telling. wala naman kaming masyadong na-miss kasi french naman yung salita. di rin namin naintindihan. tapos meron silang sayaw... tapos story telling ulet... tapos sayaw ulet... tapos story telling. dun sa isang story telling, merong isang lalaki na nag-offer sa amin ng kumot (kasi may kumot dun sa mga upuan dahil malamig yung room). tapos kinausap pa kami nung after ng story telling, tinanong kung may naintindihan kami. sabi namin, syempre wala. so deadma lang, diba? until yung last presentation, pinatayo niya kami tapos pinasayaw. sabi niya, dapat daw kami sumali kasi nasa first row kami. e di sama naman kami. parang magkakahawak lang kayo ng kamay tapos mag-skip around kayo. yun pala, taga-dito sa ST micro yung lalaki. kaibigan siya nung isang contact namin. no wonder familiar. buti na lang at sinabihan siya ng asawa niya na i-check kung nare-recognize ba namin siya. hehehe... gilbert yung name niya tapos galing siya originally sa togo. yung asawa niya, si elke, german na taga-hp. sabi ni mommy jo, kasama daw sa legal counsel si elke. o diba? :) after nung sayawan, merong cocktails. pika-pika, pastries, may wine din. andun din pala si glynis, kasama yung landlady niya. so all-in-all, nag-enjoy naman kami ng todo. :)
sunday, pumunta naman kami sa yvoire. medieval town daw siya dito sa france. maliit lang siya pero maganda. nasa tabi siya ng leman lake. out of the goodness of our (well, mommy jo talaga) hearts, sinama namin yung teammate naming indian. yun nga lang, nainip ata sa kaka-picture namin dun sa yvoire, nagsarili. hehehe... si mommy jo naman, natuwa masyado kaka-picture. sayang nga kasi naubusan na kami ng battery bago namin na-picture-an yung port. maganda din kasi yun. inabot kami ng ulan pero ok lang kasi pauwi na naman kami nung umulan ng malakas. yun nga lang si chloe (yung gps namin), dinirect kami sa geneva. buti na lang at naisip namin na border na yung parang toll booth kaya umikot na lang kami. so far, wala pa naman kaming encounter with the swiss police. hehehe...
6 more days to go and we're home. wooohooo!!! ang sad nga lang is kelangan na naming magpaalam sa mga tao dito. kanina, nakipagusap sa amin yung project manager namin dahil babalik siya ng milan today so wala siya dito til friday. e since iyakin nga ako, ayun, umiyak ako nung time ko na magsalita. kakahiya. pero kasi, na-sad talaga din ako na magpapaalam na kami sa kanya tapos syempre, nagpasalamat ako sa lahat ng ginawa niya for us. sobrang bait kasi nun. saka sabi ko nga sa kanya, gets ko kung gaano kahirap yung trabaho niya. so bow ako, pramis.
mom, ates, kuya, na-send ko na yung flight details ko. :) kuys, don't forget to bring the car to tito ely bago dumami lalo ang sira.
mynmyna, advanced happy birthday!!! saan kayo mag-celebrate? :)
romer, belated happy birthday naman sa iyo! :)
agee, konti na lang, mababawasan na ang pasanin mo. di na "pasan ko ang daigdig" ang theme mo. hehehe... mySAP na lang!!!
see you soon, everyone!!! mwah mwah!
No comments:
Post a Comment