hello everyone!
musta na? ako e medyo harrassed today. well, since kahapon pa. may issue kasi kami sa dati kong project and medyo nakakaloka siya. wala rin kasi akong magawa from here. pero basically, inuuntog ko na ang sarili ko sa pader kasi may na-miss na naman ako na hindi dapat. hay. mukhang hindi talaga ata ako cut out to be a project manager. i think i need to rethink my career path. ipagdasal nyo naman yung issue namin para matapos na. by the way, salamat sa pagdadasal sa mga anak-anakan ko kasi mukhang ok naman yung migration nila. isa na lang ang iniintay namin. :)
anyway, nag-mountain trekking kami kahapon sa mont jura. saglit lang naman... mga 45 minutes pataas. nung start, medyo mahirap kasi masakit sa legs saka hinihingal kami talaga. pero nung medyo gitna na, nagiging ok na. nasanay na siguro yung mga binti namin sa paglalakad ng pataas. maganda ang view sa taas, kita yung geneva. :) syempre, picture kami pero hindi na sa camera ko kasi di ko siya dinala dahil mabigat. hehehe... anyway, na-survive naman namin ang trek pataas. madali na kasi yung pababa. tapos, nagpunta kami sa restaurant na malapit for dinner. fondue saka raclette ang kinain namin. since nakakain na kami ng fondue sa annecy, nag-try kami nung raclette. basically, patatas siya and meat (salami, ham and prosciutto) tapos may isa silang block ng cheese na ime-melt tapos ilalagay nila sa ibabaw ng patatas. :) ang sarap, in fairness! nakakatawa pa kasi inggit sa amin yung mga nag-fondue. kasi ang fondue dito, tinapay at melted cheese lang. hahaha... although meron din naman sila nung mga salami. tapos syempre, may wine. tapos dessert! nag-speech pa kami kasi may mga hindi papasok next week. so pa-thank you kami eklavush. in fairness, mami-miss ko rin ang mga tao dito. mababait kasi sila sa amin talaga.
anyway, yun lang kuwento ko. kelangan ko na bumalik sa pagta-trabaho kasi may meeting kami bukas at due na ang docs ko. eto pala yung annecy pics nung fete de la musique. sa buong france kasi may isang araw na nagce-celebrate sila ng music. e since di namin kayang pumunta ng paris, sa annecy na lang kami nagpunta. :)
ingat kayo lagi. mishu all! mwah mwah!
No comments:
Post a Comment