it's been a while since my last post and it's funny to think that a movie can push me to write again.
kakauwi lang namin pagkatapos manood ng "no other woman". yes, tagalog movie. sa mga hindi nakanood (pasensya na sa mga gusto pang manood), ang plot ng story is that ram (derek ramsay) and cha (cristine reyes) are a happily married couple. ram is a furniture designer and cha is a housewife. everything was going great until ram is given a chance to bid to furnish a resort owned by the zalderiaga. ram goes to the resort and meets cara (anne curtis). they flirt, have a fun time in the resort. ram confesses that he is married but cara doesn't care. they have an affair. eventually, cha finds out, confronts cara. ram decides to end things with cara but it's too late and cha leaves ram. mr. zalderiaga also finds out about the affair. ram loses his wife and his business. as if that wasn't enough, he finds himself in an accident after running away from cara who wants to talk to him. he is rushed to the hospital, with cara following him. cara calls cha and eventually apologizes. ram recovers and cha takes him back. cara goes back to new york. whew.
so bakit ako napasulat?
one, bakit ba kasi pumapatol sa taong may asawa? hindi ba malinaw sa mga tao na kapag may asawa na, hands off! anak naman ng pating. hindi ba kasalanan yun sa lahat ng relihiyon? or kahit wala kang relihiyon? ewan ko, ha... pero sa akin kasi, kapag may asawa na (o kahit nga girlfriend pa lang), hindi na dapat pinapatos. hindi ba natatakot ang mga tao sa karma? susko naman. may tanong nga si anne curtis dun sa sine, ano daw ba ang gagawin mo kung yung lalaking mahal mo e may asawa? papatalo ka daw ba? hindi mo daw ba ipaglalaban? ate, wala kang karapatang ipaglaban yun. kung may asawa na yung tao, maghanap ka ng iba. end of story.
two, bakit ba kasi naghahanap ka pa ng iba kung meron ka na? partida na nga dito, si cristine reyes na ang asawa mo. sige, granted na ang other choice is anne curtis. pero di ka talaga makuntento, kuya? sabi ko nga, partida na yan. e paano kung di ka ganun kaganda or ka-sexy? anak ng pating (ulet). hindi ibig sabihin kapag tumanda, nagmukhang losyang o nangamoy mantika ang asawa mo (yes, sabi nila nangyayari yan), may karapatan ka nang palitan siya. hindi yan isang bagay na may warranty na kung masira, pwede mong palitan. touch move yan, noh. kapag nag-"i do" ka, yan na yun.
three, kung may asawa ka at nangaliwa ka, hindi nadadaan lang sa sorry yun. ok ka lang? hihirit ka pa ng, "i don't want to lose you"??? e tanga ka pala, e. ayaw mo pala siyang mawala e bakit ka nangaliwa? sarap mong batukan, kuya. di sa lahat ng bagay, pwedeng may take two, ok?
may nagsabi na sa akin na di ko daw alam ang pinagsasasabi ko since di pa daw ako na-involve sa isang relationship. fine. pero kailangan pa bang magkaroon ka ng boyfriend, girlfriend or asawa para masabi kung ano ang tama at ano ang mali? please lang, wag mong sabihing tama ang mga bagay kapag in love ka. di naman mali na sundin ang puso. pero sana kasi minsan, pinapairal din ang utak. di naman kasi tayo ginawang tanga ni Lord.
No comments:
Post a Comment