bakit nga ba ganun ang buhay minsan, kapag may problema ka, saka ka pa makakatanggap ng masamang balita? yun bang tipong late na late ka na para sa importanteng date saka pa magiging traffic. o kung pagod na pagod ka na sa trabaho at ready ka nang umuwi, saka sasabihin ng boss mo na kailangan nyo palang mag-overtime?
para na lang ngayon.
kakababa ko pa lang sa training ko ng buong araw nang may iabot sa akin ang admin assistant namin... kulang daw ang tax na binayaran namin last year. nagkamali daw yung dati naming kumpanya ng pagbigay ng data sa kumpanya namin ngayon kaya kailangan naming magbayad ng dagdag. anak ng tokwa talaga. eto nga at antay na antay ko na ang suweldo sa susunod na linggo, bigla akong makakatanggap ng ganito. labas pa yan sa isang damakmak na mga bayarin na nakapila sa akin. kung bakit ba naman kasi hindi na lang nangyari na tama yung ibinigay na data at yung perang dapat kong ibabayad sa "kulang" kong tax e napupunta na lang sa mga nakaplano kong babayaran?
'pag minamalas ka nga naman, oo...