sa ilang beses kong pagkanta sa harap ng maraming tao, lagi akong pumapalpak. kahit pala sa pagsasayaw.
last friday, dahil sa isang activity sa office, napilitan akong sumayaw. well, kung tutuusin, hindi naman din gaanong nagpumilit si audrey. pumayag na rin ako. ang totoo kasi niyan, enjoy ako sa pagsasayaw. yun nga lang, kulang ako sa talent dun. sa tingin ko naman e hindi ako mukhang tanga kapag nagsasayaw. well, minsan lang pala. pero most of the time, hindi naman. pero hindi ko rin masasabing magaling akong sumayaw. hindi tulad nina pogs, irish at christa. at dun sa pagsasayaw namin, nalaman kong marami pala akong officemates na magagaling sumayaw. si sol, si joey, si lancer, si tati, si jesse, si choy... ang dami nila!
sa totoo lang, nahirapan din akong mag-memorize nung kakapiranggot na sayaw namin. sa lagay na yun, pinadali na nga ni christa yung mga steps namin. nakakatawa nga ako kasi bago nung presentation namin, pina-practice ko siya talaga. kunwari, kapag nag-aantay ako sa pila ng fx pauwi, ginagawa ko yung steps sa utak ko. syempre, may konting galaw ng paa at balikat. tapos, lagi ko na lang naiisip yung mga kantang ginagamit namin. sabi ko nga sa sarili ko, wag lang akong magkalat ok na ako.
actually, hindi ko alam kung nagkalat ako o hindi. basta marami akong nakalimutang steps. pero feeling ko naman, marami sa amin din ang nakalimot. sabihin na rin nating malaking kahihiyan yung ginawa ko (hindi ko na lang isasama ang mga officemates kong sumayaw kasi baka naman maayos ang pagsayaw nila --- hindi ko na sila pinapansin habang sumasayaw sa harap). pero ok na rin. yun nga lang, baka dalawang taon na ulit bago mo ako mapasayaw ulit ng ganun.
1 comment:
magaling ka rin naman kat ah! :)
Post a Comment