Thursday, July 14, 2005

oooouch!

i've already written about sa pagitan ng ngayon at kailanman, gary granada's newest album. but i had to create a separate post for this song. it's soooo heartbreaking! i felt like i was going to cry when i heard it. the same feeling i had for broken vow and not me, not i. read on so you'll know what i am talking about

====================

pinaasa mo ang puso ko

pinaasa mo ang puso ko, binigyan mo ng pakpak
at ako'y nangarap ng husto, nilipad hanggang ulap
pinaikot mo'ng aking mundo at bundok ay nilakbay
sa akalang ating pagsuyo sa tuktok naghihintay
at ako ay halos mamatay-matay

pinaasa mo ang puso ko
pinaikot mo'ng aking mundo
ng wala naman palang mapapala
pinaasa mo lang ang puso ko sa wala

pinaasa mo ang puso ko, binigyan mo ng sagwan
at sa laot na mapanukso, sa ilalim ng iyong buwan
pinaikot mo'ng aking mundo hanggang ang aking bangka
natigatig at nangabubo, tumaob, tumihaya
at nalunod na pati kaluluwa

pinaasa mo ang puso ko
pinaikot mo'ng aking mundo
ng wala naman palang mapapala
pinaasa mo lang ang puso ko

di ka na naawa, di ka na nahabag
di na rin nagsawa, puso kong bulag
di malaman kung matapang o duwag

pinaasa mo'ng aking dibdib, binigyan mo ng sulo
at tinahak ko ang iyong yungib sa isipan kong hubo
pinaikot mo'ng aking daigdig at mundo ko'y gumalaw
upang sa masukal mong liblib, duon pala ililigaw
at wala naman palang ako't ikaw

pinaasa mo ang puso ko
pinaikot mo'ng aking mundo
ng wala naman palang mapapala
pinaasa mo lang ang puso ko sa wala, sa wala
pinaasa mo lang ang puso ko sa wala


====================

surprisingly, it's actually upbeat and not your typical slow and soulful love song. maybe it being in filipino made the difference.

4 comments:

Anonymous said...

pahiram naman album, kahit overnight lang. hehehe. :-D

kat said...

sure, sure! sabihin mo sa akin kung kelan kayo magkikita ni rose para maibigay ko sa kanya. :)

Anonymous said...

heartbreaking nga...

airisshu said...

kat, you have media player no? rip mo tapos send mo sa min.. hehehe