dear everyone!
hello! kamusta na kayo? ako e medyo hectic. ang dami ko nang deliverables these past weeks. kaya nga ngayon lang ako naka-email. medyo nahihirapan ako kasi hindi ko naman talaga expertise yung ginagawa ko ngayon pero sabi ko nga dun sa adviser namin, since kelangan ng team na i-shuffle kami, ganun talaga. either way, isa naman sa amin ni mommy jo (yung isa pang WM resource) yung kelangang mag-aral ng bagong module. andito naman si auds para tanungin ko about the details. yun nga lang minsan, kapag nasa meeting ako, di ko masabi agad yung sagot kasi hindi ko talaga alam. in short, di ko kayang mag-bibo masyado. hahahaha... :D
ok, milan kuwento...
friday afternoon, maaga kaming umalis for milan. yan e sa utos ng aming butihing project manager na siyang naging host namin for the weekend (yes, nakitulog kami sa bahay ng PM namin). mas maaga kaming umalis sa mga italiano kasi di kami pwedeng dumaan ng geneva. so mas matagal ang travel time namin. on the way, nakita namin yung mont blanc (highest peak daw ito sa western europe). maganda siya saka puno pa ng snow. may balak nga pala kami pumunta dito but next time na ang kuwento tungkol dito, kapag natuloy kami. anyway, dumaan kami sa tunnel du mont blanc. sobrang strikto dito. kelangan 150m ang layo mo tapos between 50 to 70 km ka lang. kapag hindi, huhulihin ka tapos magbabayad ka pa ng fine. syempre takot ako kasi wala akong pambayad kung mahuli. hehehe... ako lang kasi ang nag-drive all the way from saint genis to milan kasi may sakit pa nun si auds. anyway, pagdating namin sa kabilang side ng tunnel, nag-picture kami at dun namin hinintay si daddy (yan pala tawag namin ngayon sa PM namin... tatay kasi namin siya sa project). grabe sa bilis magpatakbo ang mga italiano! usually 30km over the limit! kinabahan nga ako baka ako mahuli. pero meron kayang mas mabilis pa sa amin. so naisip ko, hindi malamang ako huhulihin. hehehe...
meron kaming isang teammate na italiano, nahuli siya sa france sa sobrang overspeeding (yes, over na, sobra pa)... kasi abot ata siya sa 160km sa 130km (or 110km) na speed zone. tapos di na siya pwedeng maka-drive sa france forever. sa italy at sa ibang lugar, bawal siya mag-drive for 6 months. tapos may fine siya na 750euros. nung umpisa, di namin maintindihan bakit siya tumatakbo ng ganun kabilis. nung pumunta kami sa milan, naintindihan na namin. lahat kasi ng italiano, ganun mag-drive!
anyway, nakarating naman kami ng matiwasay sa bahay ni daddy. nahiya nga kami kasi tatlo kami. sabi naman namin, ok lang na mag-check in kami sa hotel kasi nag-checkout naman kami sa hotel namin dito sa france. pero ayaw pumayag ng PM namin so pumasok na rin kami. sinalubong kami ng asawa niya, si ana maria saka si gaia, yung bunso nilang anak. tapos na-meet din namin yung panganay nila, si alicia. nakakatuwa yung family niya kahit na hindi sila masyado nag-e-english. pero grabe ang effort nila para i-welcome kami. nung dinner, ang daming niluto ni ana maria. meron siyang nilutong pasta, dalawang quiche, may beef na parang adobo, tapos may dalawang klase ng dessert. tinanong pa nga nila kami kung gusto daw namin ng salad. gusto namin sana kaya lang bondat na bondat na kami (although syempre, nag-dessert kami). ikot kami ng konti sa novara, yung town nina daddy, after dinner. mag-ge-gelato sana kami kaya lang wala kaming dalang pera. hehehe... :D
next day, punta na kami ng milan. umaambon na nito so pinadalhan kami ni daddy ng rain coats. medyo late na kami nakaalis sa bahay nila tapos di pa namin mahanap yung parking so medyo lunch time na nung nakarating kami ng milan. yung una naming stop, dapat sa last supper ni leonardo da vinci. kaya lang, pagdating namin dun, di daw pwede ang walk-in. kelangan daw may reservation kami at least 2 weeks in advance! so pumunta na lang kami sa duomo since wala kaming makikitang paining dun. maganda sa duomo kasi meron silang malaking church tapos andun din yung galleria. sa galleria, maraming kilalang shops... may louis vuitton pa ulet, saka prada, saka gucci. wala naman kaming nabili. nalula lang kami sa mahal nilang lahat. syempre, nag-picture kami sa galleria. ang nakakatawa, nung ako na yung nagpo-posing, dumaan si batman saka yung mga robin. aba, ang mga robin, nag-pose sa likod ko! wahehehehe... tapos sabi nila, welcome to milano! hahahaha... kakatuwa. syempre, ang lunch namin is pasta and pizza. sabi kasi ni daddy, dapat daw kumain kami ng authentic pizza and pasta sa milan. after namin kumain, nag-picture kami sa church ng duomo, sa fountain, pati kasama ng mga ibon. tapos, gelato time again! :) tapos, nagpunta kami sa costello. luma siyang castle dun sa milan. posing lang kami ng posing dun, pinagtitinginan talaga kami ng mga tao. ang aarte kasi ng posing namin. hahahaha...
alis kami ng milan ng 7 pm kasi hanggang ganung oras lang yung murang parking. sobra kayang mahal ng parking sa milan! yung murang nakita namin is 4euros per hour. yun is yung guarded parking. yung murang nakita namin na hanggang 7 pm lang is 1.20euros lang. hehehe... kurips kami e. :)
sunday, sobrang aga namin gumising kasi nahihiya na kami sa mga hosts namin. pero sabi kasi ni daddy, sasamahan daw kami ng asawa niya magsimba. so inintay namin siya. dun lang kami sa novara nagsimba. on the way, inuutusan niya si gaia na kausapin kami in english. nahihiya na nga kami sa kanya kasi sobra ang effort niya na kausapin kami kahit di kami nagkakaintindihan. nag-mass kami in italian. in all fairness, mas madali ma-gets ang parts ng mass kahit na yung gospel at readings e hindi namin maintindihan. saka minsan nakakasabay ako sa kanta kasi latin. after ng mass, mineet namin si bossing tapos tinour nila kami sa novara. pinakilala din kami ni bossing sa pinsan niya. in fairness, gwapo ha. yun nga lang, kasama ang girlfriend. hahahaha... so olats. sa bahay nila kami nag-lunch. nag-order sila ng pizza, gumawa si ana maria ng carbonara saka ng isang rabbit dish. yes, folks... nakatikim na kami ng rabbit. in fairness, di naman kakaiba yung lasa niya. parang normal na pork lang siya. after lunch, umuwi na rin kami kasi ayaw naming masyadong gabihin sa milan.
ok naman ang trip namin... masaya rin. at sobrang mahal namin yung family nina francesco. sobrang bait nila talaga. kaya nga kahit na anong request sa amin ni francesco, sinusunod namin. siguro nga tactic ni bossing un. hehehe...
hindi ko pa rin natatapos i-upload ang pics namin sa milan. sana before kami magpunta ng rome, meron na. this weekend, punta na kami ng rome!!!! :) so expect more pictures! hahaha...
ate faye, parati kang may gimik ha... kuwento naman about your ilocos trip!
ate karla, musta na ang baby? sabihin mo sa kanya, bawal lumabas ng wala pa si ninang!!!!
kuya aljo, i miss you na!!! don't forget to send me your cell number ha? hinay sa shopping!!!
ate tetski, eto na yung email. sorry, ang tagal. send my kisses to sofia and franco. mwah mwah!
ma, wala lang... hello na lang ulet. thanks po sa pagbabayad ng amex ko. ate faye, i still need you to pay for the balance. wala na akong peraaaaa!!! :)
tito jojo, i saw the pics! ang cool ng mga motorcycles! sa iyo ba yung gamit mo? di mo pinakita sa akin yun nung nagpunta ako ng NY!
tita annie, happy birthday! saw the pictures! :) in fairness, di ka mukhang 60. *wink*
tsong vin, tsong erwin, happy birthday!!! :)
myn, di na ata kita mabibisita diyan sa austria. kung bumalik ako dito, baka dun na lang. pero sa hirap ng customers na ito (puro shwangit sila), baka hindi na. hahahaha...
o siya, babay na... ingat kayo lahat. ta-trabaho na ako. :)
No comments:
Post a Comment