hello everyone!
kamusta ang weekend nyo? sana naman e masaya. kuwento muna ako ng weekend ko.
sa mga hindi pa nakakaalam, nagpunta po kami ng rome last weekend. yes po, roma, italia. lumipad kami kasi masyadong malayo ang rome para i-drive. ok lang sana kung mura ang gas kasi sanay naman kami ng malayuang drive (katulad ng gawain namin nung nasa cinci pa kami). kaya lang sa mahal ng gas, mas mura pa sa amin ang lumipad. 78 EUR lang yung bayad namin sa air fare. actually, 25 EUR lang siya... tapos 53 yung taxes. hehehe... mas mahal pa yung tax. friday night kami lumipad. medyo natanga pa nga kami kasi sa lyon kami nag-book ng flight. pwede naman daw pala kami sa geneva airport kasi may entry naman from the french side. but then again, nalaman namin yun after na namin mag-book. anyway, ang flight namin was from lyon, which was around 1.5 hours sa tollway from saint genis. maaga naman kaming nakarating although medyo malayo ang parking namin. nakapag-exercise pa tuloy kami ng hindi oras. dumating kami sa fiumicino airport ng 930 pm pero dumating kami sa hotel ng 12 mn na.
next day, maaga kami umalis ng hotel to explore rome. sabi ng mga teammates namin, sa museo vaticani daw muna kami. kasi half day lang daw siya. so after namin mag-breakfast, pumila na kami. mahaba ang pila, sobrang daming gustong pumasok. pero ok lang naman kasi mabilis lang siya. ang laki nung museum! kumuha kami syempre ng pics pero hindi kami masyadong nagtagal sa mga pieces kasi gusto namin makapunta sa sistine chapel. ang ganda niya! yun nga lang, masakit sa leeg kasi parati kang nakatingala. sayang din at hindi kami nakakuha ng picture dun. bawal kasi. pagkatapos sa sistine chapel, sa st. peter's cathedral naman kami. ang laki laki laki laki niya!!! tapos yung la pieta, andun. eto yung sculpture ni mama mary na hawak niya si jesus after niyang ibaba sa krus. sabi nga ni auds, nakaka-iyak daw. naisip namin, ang devoted nung gumawa nun, para isipin niya yun while carving it in marble. magtitirik sana ako ng kandila like i promised mom kaya lang wala namang kandila sa loob. so pumunta na lang kami sa adoration chapel nila tapos din kami nagdasal. syempre, picture kami sa labas. pati dun sa holy door (na every 25? years lang daw binubuksan, nagpa-picture kami. on the way to the pantheon, may nadaanan kaming plaza (ang dami nilang plaza sa rome). daming artists. may tumutugtog, merong nagpe-paint. ate faye, matutuwa ka dun. may isa pa kaming nakitang chuch (in fairness, ang dami ring churches sa rome), yung saint ignatius. although hindi siya kasing laki ng saint peter's, ang ganda niya kasi maliwanag tapos makulay. syempre, nagdasal din kami dun. sa dami nga ng simbahan na napuntahan namin, baka naririndi na si Lord sa mga wishes ko. hehehe... yung pantheon, wala kami masyadong nakita kasi may nagpapakasal. ang picture namin? yung ferrari na ginamit na wedding car. hehehehe... nag-wish din pala ako sa trevi fountain. although sabi nila, ang wish daw dun is kung babalik ka ng rome. pero nag-wish ako ng iba. hehehe... :D tapos last stop na namin is yung spanish steps. kung napanood nyo yung roman holiday, eto yung steps dun. may mga military eklavush na syempre, di naman namin naintindihan pero nanood pa rin kami. before pala kami pumunta sa spanish steps, pumasok kami sa mga mamahaling stores... gucci at louis vuitton. di na kami nakapasok sa prada, dior at ysl. tingin lang din naman ang ginawa namin. wala rin kaming binili. hehehe... masama na nga ang loob ko sa 30 EUR na bag, yun pang LV? sus. good luck to me.
second day, nagsimba kami. dapat sa santa maria maggiore kami kaya lang sarado siya. ang pinag-iisipan namin is saint peter's or saint paul's. since di pa kami nakakapunta sa saint paul's, dun na lang kami nagsimba. di rin siya kasing laki ng saint peter's pero maganda siya. dun lang sa may altar part yung ginamit para sa simba. yung mga 70% of the chuch, hall lang. tapos sa paligid, may mga pictures ng mga santo. andun din yung pinaglibingan ke saint paul, pareho nung ke saint peter. tapos nagsulat kami ng mass intentions. ang ganda ng labas ng saint paul's kasi makulay. sayang nga lang kasi ginagawa yung statue. pero just the same, nag-picture pa rin kami. after lunch, pumunta na kami sa colloseo. kung merong eiffel sa paris, may colloseo sa rome. lahat na ata ng angle ng colloseo, kinuhanan namin. may colored, may sepia, may buo, may naka-zoom, meron sa gilid, etc. pati mga anino namin, kinuhanan namin ng picture. hahaha! :) di kami masyadong nagpagabi this time kasi 6 am pa yung flight namin kinabukasan.
ayun lang naman ang kuwento ng rome. next target namin is chamonix, nice and venice. depende pa sa weather kasi ulanin ang france. hehehe!
ate karla, sayang talaga, di ako nakasali sa baby shower ni yuan. again, sabihan mo si yuan na bawal pa siya lumabas hanggang wala akooo!!!
ate faye, dami mong gigs ah. mukhang dami mong raket. sana tuloy-tuloy na yan.
kuya aljo, di ka na nag-reply sa email ko. musta ang last few days sa US? excited ka na umuwi?
ate, wala ka pang kuwento sa first day nina franco at sofia. thanks pala sa pagbili ng gift para sa akin. :) mas mahal ang LV pala sa rome. yung speedy 25 kasi is 425 sa rome. 410 lang sa paris. 440 yung speedy 30 sa rome. so baka mas mura sa paris. will still try nice kung makakapunta kami. so tell me kung papabili ka.
ma, sa saint ignatius na lang kita napagtirik ng kandila. bawal sa saint peter's e. saka bumili ako ng crucifix sa saint peter's. di ko mauwi si pope e. hehehe...
dad and kuya weng, belated happy father's day!
tito rey, tito rudy, tito ronnie, tito jojo, tito ven (at pakisabi na rin ke tito totoy), belated happy father's day din po!
sa mga tsongers na daddies na (reno, neil, erwin, andrew, art) at sa mga boys ng gels (ken, karl, nel, monj at romel), belated happy father's day din sa inyo!
sa mga di ko nabati last time... tita annie, aj, jent... belated happy birthday!!! :)
o siya na, magta-trabaho na ako. ingat kayo lahat. miss you!
mwah!
No comments:
Post a Comment