hello everyone!
kamusta na kayo? sorry, ngayon lang ako nakasulat. medyo hectic sa trabaho kasi due kahapon yung documents ko. one bundle down, one bundle passed, one bundle to go. :) excited na kaming umuwi sa july. nagbibilang na nga kami ng mga araw bago kami umuwi. ngayon, meron na naman kaming bagong bundle na uumpisahan. kinakabahan pa rin ako kasi wala akong masyadong alam pero go lang. bahala na si batman ulet. nakakaraos naman kami. hehehe...
ok, weekend kuwento...
saturday, nagpunta kami ng annecy. nakapunta na kami dun before pero hindi kami masyadong nakakuha ng picture. same pa rin naman this time pero kaya kami actually nagpunta e dahil fete de la musique. hindi na kami sa paris nagpunta kasi masyadong malayo ang paris. yung medyo ok na city kasi na malapit sa tinitirahan namin is annecy kaya dun na kami nagpunta. in fairness, ang daming tao. siguro kasi summer na, marami na ring tao sa beach. yung lake kasi ng annecy, ginawa nilang beach. nung medyo hapon na, saka dumami ang tao na manonood dun sa music festival. nakita namin dun yung isang katrabaho namin sa project, si christophe rey. kasama niya yung dalawang anak niyang babae, sina clemence at lucy. nakakatuwa sila! twins sila, 6 years old tapos parehong nakasalamin. mahiyain sila nung umpisa kasi hindi sila nagsasalita ng english. tapos kami, di nagsasalita ng french. ang nakakatuwa, biglang hinawakan ni lucy yung kamay ni auds. tapos maya-maya, hawak na ni clemence yung kabilang kamay ni auds. tapos yung kabilang kamay ni lucy, hawak yung kamay ni christophe. para tuloy silang one happy family. asar talo tuloy sa amin si auds. tapos, bumili kami ng gelato sa annecy, libre ni christophe! hehehe... niloloko nga namin siya na aayain namin siya mag-dinner since nanlilibre siya. after namin kumain, naghiwa-hiwalay na rin kami kasi nakipag-meet naman si christophe sa kapatid at kaibigan niya. ikot lang kami sa annecy, nakikinig sa mga banda. kanya-kanya sila ng kanto tapos meron din sa malalaking stage. in fairness, kumakanta din sila in english. mga 10 pm, umalis na rin kami kahit medyo nagsisimula pa lang yung music festival kasi maaga pa kami kinabukasan.
sunday, nagpunta kami sa chamonix. umakyat kami dun sa highest peak na pwede which is aiguille du midi. wag nyo nang itanong kung anong ibig sabihin niyan kasi hindi ko alam. pero from there, matatanaw na yung mont blanc (meaning white mountain). highest peak daw yan sa western europe. in fairness, maganda siya talaga at puting-puti dahil sa snow. akala nga namin super lamig sa taas pero hindi rin. ang lakas rin kasi ng sikat ng araw. may mga nagsa-sun bathing pa nga e. lumalamig lang kapag humahangin. tapos bumaba kami dun sa mid-station which is yung plan de l'aiguille tapos as always, nag-picture taking kami. again, next time na ang pics kapag tapos na yung upload ng rome pics. parati na lang akong may backlog sa pag-post ng pics. pansin nyo bang medyo adik kaming mag-picture? hehehe...
aside from my weekends, wala namang masyadong kuwento from my side. marami lang talagang challenges kapag malayo sa pinas. for one, nami-miss ko yung team ko. mahirap din kasing kamustahin ang mga anak-anakan ko kapag malayo. tapos di ko pa sila ma-support remotely dahil di naman ako pwedeng mag-log sa p&g network. dami pa naman sa kanilang malapit na ang cutover. idadaan ko na lang sa dasal at moral support. hehehe... :) tapos dami ko pang nami-miss sa bahay. hay talaga. buti na lang talaga at nakaka-ikot kami kasi yun ang malaking konsuwelo namin dito. :)
ay, nanonood na pala ako ng soccer. still not a soccer fan but more interested than before. dati kasi, soccer means james lang e. ate bea, pakisabi ke kuya james, nanonood ako ng eurocup! hahaha... i was rooting for italy, dahil lang friends namin yung mga italian naming officemates. kaya lang natalo sila ng spain. wala na tuloy akong team sa final 4. di ko gusto spain e. hehehe... the other 3 are germany, turkey and netherlands. although kahit na wala na akong team, nanonood pa rin ako kasi parang buong europe e nanonood. e syempre, para naman in ako, nakikinood din ako. :P
ate faye, natanggap mo ba yung MMS ko from chamonix? di ka nag-reply e.
kuys, nasa pinas ka na? back to school na ba?
gels, wala lang... hello lang. natahimik na ang yahoogroups natin e. anong bagong balita?
rose, nag-iintay pa rin ako ng kuwento mo about your US trip! mga tsong, hello din! :)
agee, bakit ako team lead tapos si auds, goddess? i-promote mo na ang rank ko. hahahaha...
o siya, meeting na kami e. enjoy the rest of your weekend. 20 days to go and i'm back home!!! wooohoooo!!! :)
ingat lagi! mwah!
No comments:
Post a Comment