hello everyone!
kamusta na kayo? kami, ok naman dito. two weeks na lang, uuwi na kami! woohooo!!! :) kahit na anong saya ng mga expeditions namin dito, excited pa rin kami umuwi. hehehe.. last set of deliverables na lang kami. so far naman, nakakaraos pa kami. di na masyadong praning kasi down to the last bundles na nga.
tapos ganito pa... kasi yung last two bundles, tungkol sa shipment tapos yung isa sa stock transfer orders (sorry, medyo magiging SAP ito). anyway, kasi ako yung initially naka-assign sa shipment tapos si auds sa stock trnasfer orders. e mas may alam talaga si auds sa shipments. so sabi ko, palit na lang kami. kasi mas magiging efficient kapag ganun. ok naman daw ke auds. so kinausap ko yung lead namin, si christophe. so explain ako sa kanya, chorvalu. na kesyo nga mas maraming alam si auds tapos marami siyang inputs nung meeting. tapos sabi ni christophe, medyo complex daw yung STO, na kesyo si sona daw, hindi masyadong marunong ng configs (si sona dapat yung makakasama ko sa stock transfer orders na bundle). so medyo ma-dismaya ako na parang di bilib sa akin si christophe. tapos nung padulo na ng usapan namin, tanong siya ulet... kung kanino daw ba ako nakikipagpalit, kung ke auds o ke sona. sabi ko ke auds. sabi niya, "in that case, i don't have a problem". lekat. akala pala niya ke sona ako nakikipagpalit. e hindi daw pwede na nasa isang bundle kami ni auds. wahehehehehe... akala ko pa naman, akala ni bossing, boblats ako. whew.
anyway, going to the weekend kuwento.
friday afternoon, umalis kami sa saint genis tapos nagpunta kami ng nice. mga 6 hour drive siya. more kasi syempre may stopover pa kami for dinner and cr breaks. mga 2 am na kami nakarating sa hotel. the next morning, kain kami ng breakfast tapos nagpunta na kami sa may beach. nag-decide kami na sa monte carlo na lang muna kami magpunta. on the way, may mga stops din kami. syempre, para mag-picture! in fairness, ang ganda talaga ng mediterranean! sa monte carlo, nagpunta kami dun sa aquarium. maganda siya, although mas type ko pa rin yung aquarium ng singapore at austalia. :) may kasama nang museum yun so nagpunta din kami dun. after nun, nagpunta kami dun sa may port area para kumain. nagpunta din kami sa may casino pero di para magsugal... picture lang ulet. kasi kilala ang monte carlo sa mga casinos e. after nun, bumalik na kami sa nice para pumunta sa beach. nung naghahanap kami ng parking, may nakita kaming gwapo. hehehe... napansin namin kasi tumigil yung kotse sa harap namin sa tapat nila kasi akala nila aalis na sa parking. sa sobrang gwapo niya, nagising namin si mommy jo habang natutulog siya sa backseat. hahaha! :) sabi nga namin, dapat tinanungan pa rin namin kung aalis na sila kahit na alam na namin ang sagot. hehehe... late na rin kami nakapunta ng beach. mga 930 pm na ata. pero ok lang. dumawdaw pa rin ako sa tubig. para man lang masabi ko na i felt the mediterranean waters. nag-stay kami sa beach until mga 11 pm. marami namang tao saka maliwanag kaya safe. maganda yung tubig pero yung beach, mabato. in fairness naman, yung bato niya, makikinis. pero the best pa rin ang beach sa bora.
sunday, nagsimba lang kami sa malapit sa hotel tapos bumalik na kami sa beach. di naman kami nagtagal kasi sooooobrang init. nag-picture taking lang kami tapos pumunta na kami sa city center para bumili ng souvenirs. bumili kami ng postcards para mapadala sa pinas kaya lang, wala namang available na stamps. tama ba naman yun? so ayun, andito pa rin yung postcards. :)
by the way, eto na sa wakas yung rome pics. warning lang... kung na-saturate kayo ng eiffel tower pics sa paris, baka masobrahan kayo sa pics ng colosseo. :)
next weekend, ang plan is magpunta ng yvoire. medieval daw yung town na yun. di masyadong kilala pero as per all the people who know the exitence of yvoire, maganda daw. mamaya naman, mag-trekking kami sa mont jura. good luck to us. hehehe... sana buhay pa ako bukas.
anyway, yun lang naman for now. ingat kayo lahat! pag-pray nyo pala yung mga anak-anakan ko na may cutovers today. ang dami nila, pramis. kalahati ata ng team namin.
o siya, babayush na muna. have a good week everyone! i mishu!!!!
No comments:
Post a Comment