hello everyone!
kamusta na kayo? it's down to our last 2 working days (holiday dito sa 14) so medyo sagaran na kami sa trabaho. marami pa kasing kelangang tapusin bago kami umuwi. buti na lang at wala na pala akong review sessions with our BPO so puro docs na lang ang kelangan kong gawin. no more meetings! wooohooo!!!
by the way, ayos na yung issue namin. salamat sa mga dasal nyo. iniintay na lang namin na mag-handover si papa perci next monday then we can FINALLY relax. or at least, hindi na namin siya iisipin forever and ever. pero as i am writing this, meron na ulet akong bagong project. o ha. sabi ko nga, baka may galit sa akin ang boss ko at ayaw akong pagpahingahin. sunud-sunod kasi mga projects ko. overlapping na nga. kakaloka!
anyway, weekend kuwento...
saturday, nagpunta kami sa fort l'ecluse. malapit lang siya sa tinitirahan namin. siguro mga 20 mins by drive. nakita kasi namin siya one time nung pauwi kami kasi naka-light siya. e parang interesting so nag-decide kami na dun pumunta this time kasi wala naman kaming long drive plans. tapos kasi, naawa sina joanne sa kasama naming indian (kasi siya na lang ang indian na naiwan dito tapos wala pa siyang kotse) so nag-isip kami kung saan siya pwede dalhin ng sabado.
anyway, di naman kagandahan yung fort. well, fort lang siya. puro bato saka malamig. siguro kasi nasa bundok. ang masaya nun, may pangalawang fort sa taas. kelangan naming umakyat ng 850++ steps para makarating sa taas. workout ito! pero since sabi nung guide, ok daw akyatin, umakyat din kami. in fairness, maganda nga naman talaga ang view sa itaas. :) syempre, picture taking ulet. may na-meet pala kami dung english na nakatira sa germany na naka-business trip sa geneva pero sa france nagse-stay (o ha, saan ka pa?). glynis ang pangalan niya. translator siya ng docs. from german, french, italian to english. hindi ko na nakuha yung sagot kung ilan yung languages na alam niya pero obviously marami. :) kinukuwentuhan niya kami ng history ng kung anu-anong lugar, kung paano yumaman ang switzerland, kung saan maganda pumunta sa france. sabi nga niya, ang dami daw niya sanang isa-suggest na places sa geneva pero hindi naman kami pwede dun diba?
nung pauwi na kami, yung isa sa mga guide, tinanong kami kung gusto naming bumalik ng 830 pm kasi meron daw festival dun. meron daw music, dancing and story telling. since wala naman kaming gagawin, sabi namin, sige. so kain lang kami ng dinner dun sa favorite naming turkish resto tapos balik na kami. yun nga lang na-late kami pabalik so hindi kami nakasama dun sa unang story telling. wala naman kaming masyadong na-miss kasi french naman yung salita. di rin namin naintindihan. tapos meron silang sayaw... tapos story telling ulet... tapos sayaw ulet... tapos story telling. dun sa isang story telling, merong isang lalaki na nag-offer sa amin ng kumot (kasi may kumot dun sa mga upuan dahil malamig yung room). tapos kinausap pa kami nung after ng story telling, tinanong kung may naintindihan kami. sabi namin, syempre wala. so deadma lang, diba? until yung last presentation, pinatayo niya kami tapos pinasayaw. sabi niya, dapat daw kami sumali kasi nasa first row kami. e di sama naman kami. parang magkakahawak lang kayo ng kamay tapos mag-skip around kayo. yun pala, taga-dito sa ST micro yung lalaki. kaibigan siya nung isang contact namin. no wonder familiar. buti na lang at sinabihan siya ng asawa niya na i-check kung nare-recognize ba namin siya. hehehe... gilbert yung name niya tapos galing siya originally sa togo. yung asawa niya, si elke, german na taga-hp. sabi ni mommy jo, kasama daw sa legal counsel si elke. o diba? :) after nung sayawan, merong cocktails. pika-pika, pastries, may wine din. andun din pala si glynis, kasama yung landlady niya. so all-in-all, nag-enjoy naman kami ng todo. :)
sunday, pumunta naman kami sa yvoire. medieval town daw siya dito sa france. maliit lang siya pero maganda. nasa tabi siya ng leman lake. out of the goodness of our (well, mommy jo talaga) hearts, sinama namin yung teammate naming indian. yun nga lang, nainip ata sa kaka-picture namin dun sa yvoire, nagsarili. hehehe... si mommy jo naman, natuwa masyado kaka-picture. sayang nga kasi naubusan na kami ng battery bago namin na-picture-an yung port. maganda din kasi yun. inabot kami ng ulan pero ok lang kasi pauwi na naman kami nung umulan ng malakas. yun nga lang si chloe (yung gps namin), dinirect kami sa geneva. buti na lang at naisip namin na border na yung parang toll booth kaya umikot na lang kami. so far, wala pa naman kaming encounter with the swiss police. hehehe...
6 more days to go and we're home. wooohooo!!! ang sad nga lang is kelangan na naming magpaalam sa mga tao dito. kanina, nakipagusap sa amin yung project manager namin dahil babalik siya ng milan today so wala siya dito til friday. e since iyakin nga ako, ayun, umiyak ako nung time ko na magsalita. kakahiya. pero kasi, na-sad talaga din ako na magpapaalam na kami sa kanya tapos syempre, nagpasalamat ako sa lahat ng ginawa niya for us. sobrang bait kasi nun. saka sabi ko nga sa kanya, gets ko kung gaano kahirap yung trabaho niya. so bow ako, pramis.
mom, ates, kuya, na-send ko na yung flight details ko. :) kuys, don't forget to bring the car to tito ely bago dumami lalo ang sira.
mynmyna, advanced happy birthday!!! saan kayo mag-celebrate? :)
romer, belated happy birthday naman sa iyo! :)
agee, konti na lang, mababawasan na ang pasanin mo. di na "pasan ko ang daigdig" ang theme mo. hehehe... mySAP na lang!!!
see you soon, everyone!!! mwah mwah!
Wednesday, July 09, 2008
Wednesday, July 02, 2008
good morning email 10
hello everyone!
musta na? ako e medyo harrassed today. well, since kahapon pa. may issue kasi kami sa dati kong project and medyo nakakaloka siya. wala rin kasi akong magawa from here. pero basically, inuuntog ko na ang sarili ko sa pader kasi may na-miss na naman ako na hindi dapat. hay. mukhang hindi talaga ata ako cut out to be a project manager. i think i need to rethink my career path. ipagdasal nyo naman yung issue namin para matapos na. by the way, salamat sa pagdadasal sa mga anak-anakan ko kasi mukhang ok naman yung migration nila. isa na lang ang iniintay namin. :)
anyway, nag-mountain trekking kami kahapon sa mont jura. saglit lang naman... mga 45 minutes pataas. nung start, medyo mahirap kasi masakit sa legs saka hinihingal kami talaga. pero nung medyo gitna na, nagiging ok na. nasanay na siguro yung mga binti namin sa paglalakad ng pataas. maganda ang view sa taas, kita yung geneva. :) syempre, picture kami pero hindi na sa camera ko kasi di ko siya dinala dahil mabigat. hehehe... anyway, na-survive naman namin ang trek pataas. madali na kasi yung pababa. tapos, nagpunta kami sa restaurant na malapit for dinner. fondue saka raclette ang kinain namin. since nakakain na kami ng fondue sa annecy, nag-try kami nung raclette. basically, patatas siya and meat (salami, ham and prosciutto) tapos may isa silang block ng cheese na ime-melt tapos ilalagay nila sa ibabaw ng patatas. :) ang sarap, in fairness! nakakatawa pa kasi inggit sa amin yung mga nag-fondue. kasi ang fondue dito, tinapay at melted cheese lang. hahaha... although meron din naman sila nung mga salami. tapos syempre, may wine. tapos dessert! nag-speech pa kami kasi may mga hindi papasok next week. so pa-thank you kami eklavush. in fairness, mami-miss ko rin ang mga tao dito. mababait kasi sila sa amin talaga.
anyway, yun lang kuwento ko. kelangan ko na bumalik sa pagta-trabaho kasi may meeting kami bukas at due na ang docs ko. eto pala yung annecy pics nung fete de la musique. sa buong france kasi may isang araw na nagce-celebrate sila ng music. e since di namin kayang pumunta ng paris, sa annecy na lang kami nagpunta. :)
ingat kayo lagi. mishu all! mwah mwah!

Tuesday, July 01, 2008
good morning email 9
hello everyone!
kamusta na kayo? kami, ok naman dito. two weeks na lang, uuwi na kami! woohooo!!! :) kahit na anong saya ng mga expeditions namin dito, excited pa rin kami umuwi. hehehe.. last set of deliverables na lang kami. so far naman, nakakaraos pa kami. di na masyadong praning kasi down to the last bundles na nga.
tapos ganito pa... kasi yung last two bundles, tungkol sa shipment tapos yung isa sa stock transfer orders (sorry, medyo magiging SAP ito). anyway, kasi ako yung initially naka-assign sa shipment tapos si auds sa stock trnasfer orders. e mas may alam talaga si auds sa shipments. so sabi ko, palit na lang kami. kasi mas magiging efficient kapag ganun. ok naman daw ke auds. so kinausap ko yung lead namin, si christophe. so explain ako sa kanya, chorvalu. na kesyo nga mas maraming alam si auds tapos marami siyang inputs nung meeting. tapos sabi ni christophe, medyo complex daw yung STO, na kesyo si sona daw, hindi masyadong marunong ng configs (si sona dapat yung makakasama ko sa stock transfer orders na bundle). so medyo ma-dismaya ako na parang di bilib sa akin si christophe. tapos nung padulo na ng usapan namin, tanong siya ulet... kung kanino daw ba ako nakikipagpalit, kung ke auds o ke sona. sabi ko ke auds. sabi niya, "in that case, i don't have a problem". lekat. akala pala niya ke sona ako nakikipagpalit. e hindi daw pwede na nasa isang bundle kami ni auds. wahehehehehe... akala ko pa naman, akala ni bossing, boblats ako. whew.
anyway, going to the weekend kuwento.
friday afternoon, umalis kami sa saint genis tapos nagpunta kami ng nice. mga 6 hour drive siya. more kasi syempre may stopover pa kami for dinner and cr breaks. mga 2 am na kami nakarating sa hotel. the next morning, kain kami ng breakfast tapos nagpunta na kami sa may beach. nag-decide kami na sa monte carlo na lang muna kami magpunta. on the way, may mga stops din kami. syempre, para mag-picture! in fairness, ang ganda talaga ng mediterranean! sa monte carlo, nagpunta kami dun sa aquarium. maganda siya, although mas type ko pa rin yung aquarium ng singapore at austalia. :) may kasama nang museum yun so nagpunta din kami dun. after nun, nagpunta kami dun sa may port area para kumain. nagpunta din kami sa may casino pero di para magsugal... picture lang ulet. kasi kilala ang monte carlo sa mga casinos e. after nun, bumalik na kami sa nice para pumunta sa beach. nung naghahanap kami ng parking, may nakita kaming gwapo. hehehe... napansin namin kasi tumigil yung kotse sa harap namin sa tapat nila kasi akala nila aalis na sa parking. sa sobrang gwapo niya, nagising namin si mommy jo habang natutulog siya sa backseat. hahaha! :) sabi nga namin, dapat tinanungan pa rin namin kung aalis na sila kahit na alam na namin ang sagot. hehehe... late na rin kami nakapunta ng beach. mga 930 pm na ata. pero ok lang. dumawdaw pa rin ako sa tubig. para man lang masabi ko na i felt the mediterranean waters. nag-stay kami sa beach until mga 11 pm. marami namang tao saka maliwanag kaya safe. maganda yung tubig pero yung beach, mabato. in fairness naman, yung bato niya, makikinis. pero the best pa rin ang beach sa bora.
sunday, nagsimba lang kami sa malapit sa hotel tapos bumalik na kami sa beach. di naman kami nagtagal kasi sooooobrang init. nag-picture taking lang kami tapos pumunta na kami sa city center para bumili ng souvenirs. bumili kami ng postcards para mapadala sa pinas kaya lang, wala namang available na stamps. tama ba naman yun? so ayun, andito pa rin yung postcards. :)
by the way, eto na sa wakas yung rome pics. warning lang... kung na-saturate kayo ng eiffel tower pics sa paris, baka masobrahan kayo sa pics ng colosseo. :)
next weekend, ang plan is magpunta ng yvoire. medieval daw yung town na yun. di masyadong kilala pero as per all the people who know the exitence of yvoire, maganda daw. mamaya naman, mag-trekking kami sa mont jura. good luck to us. hehehe... sana buhay pa ako bukas.
anyway, yun lang naman for now. ingat kayo lahat! pag-pray nyo pala yung mga anak-anakan ko na may cutovers today. ang dami nila, pramis. kalahati ata ng team namin.
o siya, babayush na muna. have a good week everyone! i mishu!!!!

Subscribe to:
Posts (Atom)